Anu nga ba ang pakahulugan ng iba sa atin sa edukasyon ngayon? Eto ba yung makipagkompitensya ka sa kaklase mo at itanong palagi ang kanyang score kahit hindi kayo close at pag nalaman mo na lamang sya sayo e madidissapoint ka. Eto ba yung paramihan ng nabasa? Eto ba yung palaging mataas ang nakukuha mo tuwing may exam at bibong bibo ka sa recitation?
High school pa lang ako nagbago na ang pananaw ko sa edukasyon. Essential tlaga naman natin syang masasabi upang mahangad mo ang iyong gustong propesyon. Pero simula ng tumungtong ako ng high school napansin ko na hindi ako nagiging masaya.
Opo, persistent honor student ako nuong elementary. Pagkauwi ng bahay, magagawa na ng assignment. At pagkatapos kumain ay magbabasa na muli. Hindi ako nagsasawa sa routine na yun hanggang makatungtong ng grade 6. Masasabi ko naman na napasaya ko ang magulang ko nung makatapos ako nuon. Ilang beses ba sila panhik panaog ng stage? Ilang math at history quiz bee na ba ang nasalihan nuon? Nga pala, sa public school ako galing.
Pero nuong lumipat ako ng paaralan para sa high school nagbago ang tingin ko sa pagaaral. Naisip ko nuon na kahit anung kasipag meron e kulang pa rin. Hindi sapat ang masabing pumapanhik ka ng stage at humahakot ng medalya. Hindi sapat ang magbasa ng magbasa. Bakit? Kasi lagi ka lang ikukumpara. Pagpasok ko pa lang sa private school na yon para kumuha ng entrance exam ay kinausap agad ako ng principal na dapat mas magaling ako sa mga kapatid ko. Hindi naman ako galit o may tampo sa aking mga kapatid sa katunayan, tinitingala ko sila. Maganda ang kinalabasan ng kanilang napiling propesyon. Pero hindi mawawala lalo na ang mga kamag anak mo na wala ng ginawa kundi pagkumaprahin kayong magkakapatid. Yung mga kamag anak mo na masaya sa ganung gawain pero mga sariling anak e hindi maalagaan. Bilang bata nuon, natural na maapektuhan ka. Hindi siguro ganung kaliwanag sayo ang ganung sitwasyon pero alam mo naman na may mali. May kulang…
Duon nagloko ako sa pagaaral. Wala akong ginawa kungdi magbulakbol, mga assignment na hindi ginagawa o last minute, mga project na hinahayaan na lng kung ano ang makuha. Hindi ko kinakahiya na palagi akong lowest sa mga exam nuon o minsan e nangangamote. muntik pa nga ko maalis sa model section gawa ng kapabayaan. Lahat naman ng iyon e pinagsisihan ko na. nakatapos naman ako ng maayos. Mas maganda na nga ata na nuong high school ko lahat iyon naranasan, kesa naman ngaun hindi ba?
Nung nasa kolehiyo na ako, dahil gusto ko ang kurso na aking nakuha, pinagigihan ko talaga ang aral. Muli napasaya ko ang magulang ko at pumanhik ulit sila sa stage. Naisip ko na wala naman iyon sa eskuwelahan na pinasukan mo, nasa estudyante pa rin naman kung pano nya madadala ang sarili nya. Hindi kilala ang aking kolehiyo pero proud ako. Success din naman ako sa licensure exam. Take 1 at happyng happy!
Hindi naging madali ang lahat nung nag medisina ako. Alam ko naman na mahirap pero dito ko masasabi na masusubukan ang pasensya ko at lakas ng loob. Pano mo haharapin at tatanggapin ang panunuri ng kapwa mo estudyante at maging guro mo. Post grad course ka na pero ang trato sayo parang balik high school. Meron namang mga nakaksundo at napapadali at napapasaya ang araw mo kahit papano. Dito ko masasabi na sobrang pressured ako. Sobrang dami ng gawa. Pero kapag may vacant time naman ako e tinatapos ko na ang dapat kong tapusin.
Madalas kasi kapag nasa dorm ako, nagpapahinga muna ko. Pero madaling araw talaga ako nagbabasa.
Eto lang, ayaw ko sa mapanuri ng taktika ko sa aral. Duon ako sanay at duon ako kumportable. Masasabi ko ang pagaaral e walang pinipiling oras pero mas maganda magaral sa oras at lugar na kumportable ka. Yung madali mong maabsorb ang binabasa mo.
Naisip kong isulat ang post na to dahil napag isip isip ko ang mga bagay na ito.
Una, nuong bata tayo ang dahilan natin sa pagaaral ay ang ating mga magulang pano natin sila mapapasaya pero habang lumalaki ka na ginagawa mo na iyon para sa sarili mo at para sa future mo. Masasabi mo na may porsyento pa para sa magulang mo pero mas lamang ang para sa sarili mo. Opinyon ko lamang ito ha!
Pangalawa, sa panahon ngayon lalo na sa medisina, hindi lang basehan ang pagiging matalino sa exam at makakuha ng mataas na grado. Matalino ka nga e kung saksakan naman ng pangit ang ugali mo. Ayaw mong mag ward at ayaw mo makisimpatya sa pasyente e sayang lahat ng inaral mo. Sino gagamutin mo? Sarili mo? Puhhhleeeaasseee!!! Di rin mahalaga kung ilang beses mo inulit ang isang subject. Dahil hindi naman sukatan ng pagkatao kung ganu ka kahina o hindi mo makuha ng isang bes ang isang subject. Iyon ay kung panu mo hinarap ang pagsubok na umulit at masabing kinaya mo at pinaghirapan mong ipasa.
Pangatlo, wag mong gawing rason sa pagaaral ang makipagkompitensya, ewan ko lang sa iba pero talamak kasi dito yan. Ewan ko ba kung ano napapala nila?
Panghuli kaya ko napost eto ay dahil maghahahiatus muna ko. Malapit na major exam at pinapatago ko kay cath ang aking net connection.
2 weeks…
No blog and No YM…
Kaya nyo ba ko maantay?
Siguro naman hindi ba? Hehe
Pwede nyo pa naman ako macontact. Dun lang sa nakakaalam ng cp number ko. Hehehe =p
22 comments:
alam mo bang halos pareho tayo ng story ng buhay,.. hahaha.. mag utol nga.. except lang yung gusto yung kurso sa kolehiyo..
anyway goodluck sa exams mo kuya..
mamimiss kita.. mag aantay yang mga yan.. ako nga higit isang buwan nawala pero pagbalik ko nandyan pa rin kayo...
eto talaga yung di nawawala sa comment ko sayo -----> GOOD LUCK!!!
@fb - salamat ng marami utol!
magpaparamdam pa rin naman ako=]
big bro, god bless with the exams!!! we know you will do well! :)
@acey - salamat lil' sis! ingats ka rin palagi=]
I'm with you on this one. Take the time to focus on your studies. Your blog and friends will always be here when you come back.
^^, Magpakabait ha. Ako din. Ehehehe.
no blog and YM daw e lagi namang online sa YM! hehe!
ayun! parang nagflashback din lahat ng pinagdaan ko ah. hehe.
i couldn't agree more. ganun din ako nung elementary. i wanted to make parents proud. medyo consistent din ako nun sa studies pero pagtungtong ko nung hayskul dun na nagsimula ang kahindik-hindik na pangyayari. haha. nagsawa na din akong makipag-compete sa mga klasmeyt ko. pinaubaya ko na lang sa kanila ang mga medalya. haha. mas importante sa kin ang matuto. i believe that intelligence is not just measured in the classroom. masusukat yan pag nasa labas ka na.
napakahaba na ng comment ko. gud luck na lang sa studies mo. hehe
mabuti naman at marunong kang magprioritize... good luck sa pag-aaral... AIM HIGH!
naexperience ko din macompare sa brother. pero di ako nagloko. kc gaya ng sinabi ko sayo dati, naisip ko na pag nagloko ako, buhay ko nasisira ko.
and the competition, i know i am guilty sa gnyan. but i use it in a nice way. i use it as motivation. kung kinukumpara ako sa kuya ko, i make it to the point na kakayanin ko. and magiging happy ako sa result. bsta.. lam mo naman na story ni brother dear eh. kaya kung nakikipag compete man ako sa knya noon, eh dahil sa attention. kaso wala pa rin epek eh. may napala naman ako, i know wer i will be with the use of that "motivation" hidden in the "competition"..
aral mabuti ced! ingat ka lagi ha. goodluck at gaya ng sabi ko, kumain ng wastong pagkain.. =)
sige, aral ka muna, hehe...
kakarelate ako jan.. naku mejo nadedepress ako ngayon sa nangyayari sa school.. sunod2 ang failures.. anghirap pala ng third year pag ndi ka tlga sanay na super sipag sa pagbabasa!@ haay.. busy-busyhan narin muna ko ngyn...
enjoy sa hiatus!
aun.
pwde ba i-repost ung elem at highschool days part?
parang ako lng din un eh..
haha!
yaan mo, maaiintay kita.
andito parin ako pagbalik mo.
ang tanong lang eh kung kaya mo na walang Ym at blog ng two weeks.
good luck,ced!
Sige, magreview ka muna. marami ang inaaral sa medicina.
Kung ikaw ay isang doktor na, nakikita ko sa iyo na isa kang napakabait na Doktor sa mga maging pasyente mo. Good Luck
sige, rebyu ka lang ng maigi ha. wag ka muna blog. haha..
good luckers!
pag natapos mo naman yan, yayaman ka na!
at malilibre mo ko. hehe.
ingats!
tama yan kid! mag seryoso muna sa pag aaral, pag na bored saka mag blog! =)
god bless sa iyong exams...
naku ced. goodluck jan sa exams.tama mag concentrate muna ng sandali.dapat nga ako hiatus rin.kaso ewan, naadik ata ako.
cath, pakitago ng maaayos yang connection sa internet ni ced.wehehe.
hihintayin ka namin.
goodluck with your exams.. hayyz ito na naman ang panahon
ng walang tulugan,,,
kayang magantay ng tunay na bloggers.. hehehe
well..
goodluck agaiN! tc!
education is something personal. kahit na mababa grades mo kung natutuo ka naman ey mas mainam yun kesa mataas nga grades wala naman alam.
hiatus? ok lang yan. cge ingat lagi.
sus ka... by you..hhahaa..
ang taong laging online sa ym. hehhehe
Post a Comment