Sunday, August 10, 2008

Para Maiba Naman

Uso pa pala yung makipagbreak ka dahil sinabi ng parents mo or ng guardian mo na ibreak mo ang isang tao. Akala ko sa sobrang pagbabago ng panahon e wala na yung mga ganito. Akala ko rin uso na yung ipaglalaban mo ang mahal mo na kahit suwayin mo ang iba, ipaglalaban mo sya. Hindi pa rin pala lahat. Pano kaya tatanggapin ng mahal mo kung sabihin mo yung rason na, “di muna ko pwede makipagrelasyon, magaral muna ako at ayaw ng magulang ko”? kung ikaw yung sabihan ok slang ba sayo? Parang mahirap diba?

Pano kung siya na pala para talaga sayo at parang pinalagpas mo lang? Na kahit masakit sa’yo, wala ka naman magagawa kung hindi sumunod sa mga taong nagpapaaral at nagpapakain sa’yo.
Naawa lang naman ako sa kakilala ko. Kamakailan lang ay yumao ang ama nya. Ang nagpaaral sa kanya sa medisina ay yung tiyahin nya na nasa ibang bansa. Nang malaman ng kanyang tiyahin na may karelasyon sya, agad siyang pinagalitan at pinipigilan. Wala rin naman siyang magagawa di ba? Sino ba naman siya para sumuway? Pamangkin ka lang…

Buhay nga naman. Hindi patas. Nandiyan na, gagawa pa ng paraan para paghiwalayin ang isa’t isa.
..................................................................................................................................................................

Gusto ko nga pala batiin si Ms. Z (Au soleil)! Payo ko lang sayo, wag ka makinig sa sasabihin ng iba. Ikaw lang naman nakakaalam ng tamang oras at panahon. Dun mo masasabi na handa ka na. hindi naman yan naii-schedule. Desisyon mo pa rin. Bilang kaibigan mo, dito lang kami sa likod mo. At pag ginago ka, lilipat naman kami sa harap. Hehe. oks ba?
...............................................................................................................................................................

Lastly, oks na ulit kami. Umaariba na naman ako sa kanya. Sobra ko siyang namiss at kakakain lng namin ng agahan kanina. Blueberry pancakes, hotdog and eggs. Yum yum! Gusto ko sabihin sa kanya na Sorry kasi, kahit na mejo namomroblema ko kaya di ko siya masyado naasikaso. Sobrang busy na rin kasi niya. Alam ko kulang pa ginagawa ko pero sana kahit sa maliit na bagay e maappreciate niya.

Ngayon ko lang napatunayan bat madrama ang ER, Grey’s Anatomy, at House Hehehe. Para kasing isang malaking emotional baggage ang naipon habang nagmemed. Hehehe.
.......................................................................................................................................................

Malapit na nga pala fiesta sa amin. Punta kayo! Hehe =p