Naalala nyo ba ung dati kong lathala na nagrereklamo ko tungkol sa pagtaas ng pamasahe? Kwarenta’y kwatro ang pamasahe simula dito sa amin hanggang sa Baclaran. Para sa akin, bilang estudyante ay malaki ng kabawasan yon’. Pero sa naranasan ko nuong isang lingo, maraming bagay pala na dapat ko pang ipagpasalamat. Nabalitaan nyo ba yung Saulog na bus na tumilapon sa isang tulay dito sa may Cavite?
Sabado nuon at kinakailangan ko ng bumalik sa dorm para makapagreview naman ako. Sakto paglabas ko kasi ng bahay ay may dumaan ng Saulog na bus. Iniisip ko pa nuon kung sasakay ako pero sabi ko medyo may pagkabulok na ang bus at baka makatabi ko pa ay ipis at kung anu anong insekto. Kaya nagintay na lamang ako ng panibagong bus. Kumportable naman ako sa bagong bus na nasakyan ko. Malinis at malakas ang aircon. Habang binabaybay ang Centennial road sa may Kawit ay unti unting bumabagal ang bus na sinasakyan ko. Hanggang sa mapansin ko ang Saulog na bus na ang unahan ay nakasawsaw sa tubig at ang puwitan nito ay nasa kalsada pa. Mababa lang naman ang tulay pero napaisip agad ako nuon. Dapat duon ako nakasakay kanina.
Naisip ko tuloy ang salitang "ang masamang damo, matagal mamatay". kasi binibigyan ka pa ng oras para magbago...
Paguwi ko ngayong lingo, tinanung ko agad sa nanay ko kung may nasawi ba sa nasabing aksidente. Wala naman daw pero labing lima ang nasa Ospital. Duon ko nabanggit sa kanya na kung sakali ay kabilang ako sa mga naaksidente.
Isa pang usapang byahe…
Naranasan nyo bang umuwi na saktong sakto lamang ang laman ng inyong bulsa? Haha. Nuong high school ako lagi ko yang nararanasan hanggang nuong Sabado ng umaga, ang nakita ko sa dorm ay singkwenta na lang pala ang laman ng bulsa ko. Sobrang kabado ako nuon at kahit na may mga barya barya pa rin naman ako nuon, mas kampante ka kasi kung kahit isandaan man lamang ay meron ka di ba? Kahit may stored value card na ko sa MRT, pakiramdam ko pa nga ay mahuhulugan pa ko ng pera. Hehe. sakto nga lang nun at magkikita kami ng utol ko sa MOA, may binili kasi kami. Nakakain pa ko sa Kenny. At ang pinakamasaya pa nun, yung panganay na utol ko ay pauwi rin pala sa amin kaya nagpasundo na lang kami sa nasabing “mall”.
Kakaiba yan sa mga usapang byahe ha. Kasi kadalasn ang nagkukwento inoonserbahan at napapansin ang ibang nakasakay o kaya ang sitwasyon habang nagbibyahe. Ako kasi, ang hilig ko naman ay… MAGPAPANSIN. Hehe. joke lang=]
23 comments:
binulungan ka ng guardian angel mo doc. ingats lagi.
awaw. masamang damo ka nga doc ced.. naku kung nandun ka pala mapapalaban ka sa first aid..
ingat ingat lagi.
o huwaw naman. sakto pala ang pamasahe ng doctor. hindi ka muna sumaydlayn sandali sus ka.
ah ndi ko nabalitaan sa balita ang haksidenteng yaan. buti na lang at masamang damo ka doc. hahaha. pis!
magbago ka na daw kasi. warning na sau yan :)
@kuya lawstude - oo nga po. meron pla ko nun=]
@aleli - ahaha, damong maria eto. hihihi
@popito - kanino ko mana popito? hehehe. magsideline ako sa lingo. haha
bt naging anonymous ang reply ko sa comments nyo... hmmm...
usupang byahe? lagi akong nahoholdap dati. Hahaha!
Ingatz!
nangyari din saken yan nung college. Uwi sana ako from Baguio to La Union pagkatapos ng klase ko sa hapon. Last trip sana nahabol ko. Un, nahulog ung bus sa bangin, medyo madami ata casualty nun. buti pinigilan ako mga boarmates ko na bumyahe.
@kuyacold - ikaw ata ung naholdup ko one time e. hehehe
@ely - nako, swerte naman natin.
masamang damo? aheheh
wow.. ang layo pala ng inuuwian mo,, haggard ba pag dating sa school?
buti hindi ka sumakay dun..
kung hindi. nag rambol na kau ng mga ipis at baby ipis sa loob..well buti naiisip mo ung mga ipis nung pumipili ng bus..
usapang byahe..
naku..
ako...
kung hindi nakakalagpas sa bababaan kakatingin sa pasahero (baka ikaw ung tinitignan ko hahaha) ang nangyayari,
minsan agawan naman bag at nakawan.. anu ba un..
nangyare na rin saken yan.. kasi baguio ako nagaral di ba, e nung minsang pabalik ako ng baguio, dapat sasakay na ko sa isang victory na bus kasi nagaakyatan na ang mga studyante at sobrang agawan sa bus. pero sabe ko sa mama ko nun, sa susunod nalang ako..
ayun nakita ko ung bus na naaksidente sa marcos hi way, buti nalang di nahulog sa bangin, pero nabangga nila ung harang.
pasensya na, ngaun lang ulit ako nakabisita :D
nakakarelate ako dyan... pero di sa bus... nung sumabog yung glorieta 2, dapat dun kami maglulunch ng mga officemates ko noon.kaya lang naisip namin, nakakapagod kung maglalakad pa kami, kaya sa insular na lang kami kumain.. one hour later nabalitaan namin na may sumabog daw dun...
buti naman di ka nakasakay sa saulog na yun. hehe. good decision.
sabi na nga at choosy ka din e...hehe
buti nalang at hindi ka nakasakay dun doc ced..ingat ka parati=)
lesson: pumili ng magandang bus..hehe
naranasan ko na din ang magkaroon ng sakto lang ang pamasahe sa bulsa..natakot tuloy akong makatapak ng kamatis sa daan...=)
@juz - ahehe, di po ko uwian. nagdodorm naman po ako. pero pag weekends nasa probinsya!
wow lapitin ka pla?
ng snatcher. hehe
@ayz - salamat sa pagdaan po. buti nakinig sa payo ng friends=]
@gillboard - nako, bui na lang. pasalamat tayo=]
@beero - so ewww kaya. hahahah
@docrio - syempre mana ko sau sa pagka choosy! hehehhe
anu meron sa kamatis? hehehe
seryoso...
magaling magaling.. tsktsk.. my tinatago ka talgang kasamaan., :p
pero buti youre safe..
uu nga pala, sa Saulog din ako nakasakay from Bataan to Buendia last Sunday night. ang bilis nga ng byahe eh, from 10 pm to 11 pm lang ang byahe ko, one hour nasa Manila na ko. imagine gano kabilis iyong bus, but tulog ako kaya di ko alam.. hahaha..
wag ka na magbago. hayaan mo ng forever kang maging masamang damo para lagi kang ligtas. kaya tignan mo ko o, safe na safe. ehehe
swerte ko din kasi noong may conference kami sa bagiuo dapat sasabay ako sa mga agent namin bumaba pero swerte talaga kasi kung sumama ako sa kanila, kasabay siguro nila akong nahulog sa bangin somewehre sa marcos hi-way. buti safe naman sila.
at syempre nagvictory liner ako. doon ako inabot ng malas. ang mahipuan ng katabi kong bading na mas mukhang barako pa kesa sa akin.
ingat sa susunod mong byahe!
@david - musta naman parekoy? buti nga at oks. i know gusto mo kong mean. hahaha.
ingats!
@yods - mas malala ka naman kaya sa akin. hahahah
@kuya ponchong - buti naman at ligtas din sila. ingats ka rin po jan palagi ha. dadalawin pa kita jan =]
twice pa naman ako namamanyak sa bus. aheheh. ung malaking mama, ginitgit ako sa bus e pang 3han kaya un. hahah. sumisiksik tlaga sya. tapos ung isa naman nghipo ng pwet. hahaha.pakshet. hahaha
hi doc... busy lang po.
ikaw pa nawawalan ng pera? di ba one time sabi mo sa akin every month ok yung ani ng hacienda nyo?
tapos may plantasyon kayo ng pinya?
tapos marami kayong kabayo na pangkarera?
pinapadalhan mo pa nga ako ng load d2 eh.
di ako naniniwala na mauubusan ka ng pera!
haysus!
ang yaman ko naman!
hahahahah
Post a Comment