Eto ang mahirap bago magpasko.
Umattend ng “classes” kuno, pero hindi aattend ang prof at sasabihin na attendance na lang. at least plus 5 sa midterms! Lol
Magcheck ng results ng exam! Eto ang maagang pamasko ko sa nanay ko! Shocker ang resulta! hahaha
Magayos ng gamit sa dorm, ligpitin ang laundry at iuwi, linisin ang ref, ayusin ang cabinet, at ayusin ang mga nabasang handouts at libro.
Hindi ka susunduin kasi walang driver!!!
Magbyahe sa MRT na may backpack na may laptop, sports bag na may laundry. Siksikan! Pero bawal umangal!
Punuan ang package counter sa mall!
Ubusan ng pera o mas masama e wala ka ng pera kakabili
Madaming tao sa mall, kahit ung iba hindi namimili
Mahirap bumili ng damit, either wala kang matipuhan o wala sa size mo ung gusto mo.
Bumili ka nga ng damit pero wala ka namang Christmas party na aattendan, sa kadahilanang wala ka kasing matinong kasection, wala kang kaibigan o di ka lang invited. Huhuhu
Mahirap magisip ng pang regalo, lalo na sa parents at mga kapatid. Reregaluhan ko pa ba mga kaibigan ko?
Nakakamiss yung wala dito, sana kumpleto at makaagcelebrate ulit ng buo kayo. (miss you ate at yung wala dito, lam mo na kung sino ka!) hehe
Mag gift wrap ng wala na wala kayong stock ng scotch tape. Nyeta!
Pero sa kabilang banda, nakauwi na rin ako sa wakas. Nakapamili na rin. Masaya dahil tapos na ang klase ko ng 2008! Tapos na ang exams. Pahinga naman sa bahay at dahil sa deprived ako sa TV, patay sya sa akin! Hehe
Alam ko nagpaparty pa kayo, dahan dahan sa inom! At sa hindi umiinom, dahan dahan sa kain! Dahan dahan na rin sa gastos! Hehehehe
Happy 1 year and 1 month old nga pla sa aking blog! hehe
21 comments:
Parteeeee! Weee!!! :)
ano ba tawag dun anniversary o monthsary na ng blog mo hehehe.
totoo yan doc sobra dami ang schedule pag magpapasko kala mo di rin holiday hehe.
anyways, merry christmas sayo doc.
psssst!
mamamasko po.
hihihi!
hahaha..ni-copy paste ung text?
lols!
merry x-mas doc!
doc ced, mag krismas party tau nila teresa..hehehe
merry christmas doki..
Merry Christmas!!!
Marami mang problema ang dulot ng panahon na 'to nawa'y maging masaya ka at ang iyong pamilya!!!
@kuya mak - ahahaha, sus ikaw umattend nga isnowpeyk ball! hehe
@kuya lawstude - anu nga ba kuya? ahehehe
buti pa kayo in demand. ako wala lang. heheh
@tere - ahahahah! madaya ka!
@doc rio - tara. san sa confe? sige sagot ko ang kwentuhan! hehehe
@gillboard - oo nga. tuloy na tuloy pa rin ang pasko!
meli klismas kuya! heheh
merry xmas.. bigyan ita scotch tape.. yung tig pipiso.. haha
mali eh.. 1 year 1 month?
october 2007 ka kaya nagsimula.. matanda lang ako sayo sa blogosphere ng isang buwan.. 1 year 2 months na ka na.. hahaha
@fb - ay shut! aaahahahah! oo nga no! nyeta! hahahaha
Merry Xmas doc JC!
etong gift ko sa yo o:
GIFT.
@kuya kris - how sweet!?! hehhe
happy christmas kuya=]
Doc! Mamamasko ako senyo! Hahahaha. Sang lupalop ka ba?
Merry Christmas doc! :-)
Ayos itong post na ito... Natural na natural ang pagkasulat, I'm sure nakakarelate ang mga readers.
Merry Christmas, Doc Ced! o",)
alam ko asar na asar ka sa drayber niyo. anu? nasisante na ba siya? hahahaha
lahat ata ng kamalasan mo nilagay mo dito ehehehe
lalo na sa attendance na yan. tatak feu talaga :D
buti ka pa doc. ako? sa 26 pa uwi ng probinsya. hahahaha. buti na lang wala kaming duty...hohoho..
:D
sa january na lang gift ko ha. LOLS
off topic talaga itong comment ko:
naisip ko lang. nakakamiss yung noong bata ka pa, pag christmas party, bago ang lahat ng sinusuot mong damit, mula sa sapatos, damit, blouse, pantalon, belt, hairclip. tapos pabonggajhan kayo ng mga kaklase mo dahil sila rin, bago ang lahat ng suot. hehehe...
wala lang. naisiup ko lang. palibhasa, ngayong matanda na tayo, wala na tayong excuse para humingi ng clothing allowance pang christmas party sa mga magulang natin.
advance meri christmas, doc! =)
syempre si gf yung wala? hahaha
nakalimutan ko name sino nga ba ulit sya? hahaha
merry xmas doc ced.
Popoy
@meryl - alam na alam mo kung taga saan ako! lol!
@kuya white - have a white Christmas kuya! heheheh! happy Xmas po!
@kuya RJ - happy Xmas kuya jan sa down under!
@yeye - goft ko rin? hahaha
@doc si angel - tama ka jan doc! napansin ko rin un!
@popito fresh - langya ka! hahaha
Post a Comment