Sunday, January 30, 2011

Case 13: Me and Maja Part 2

Naisipan ko na turuan si Maja ng konting tricks. Hehe. Pambawi ko na to. Napakabilis kasi turuan kaya sorry na lang sa kanila. Haha

Pag tinanong sino na ang magaling… ituturo nya si Nanay ko. Kasi pag wala si Maja sa bahay, nagkakasakit si Nanay. Pagumuuwi na ng bahay namin nawawala na ang sakit nya. Hahaha

Pag tinanong sino ang mabaho.. ituturo nya ang Tatay ko. Haha. Wag nyo na alamin bakit, too much info!

Pagtinanong kung sino si putol… ituturo nya ulit ang tatay ko. Naputol kasi ang ring finger ni tatay nung nasa navy pa siya.

Pag tinanong sino ang mataba… ituturo nya Papa nya. Haha.

Pag tinanong sino ang takot sa ulan… yung labandera namin. hehe

Pag tinanong sino si loverboy… ituturo nya yung isang Kuya ko. Hahahah

Pag tinanong sino love nya… isa isa nya ituturo. Mama nya, Papa nya, sina Nanay at tatay. Pati kami.

Pag tinanong sino may toyo… ituturo nya yung isang Uncle namin, malakas kasi talaga toyo nun e. si maja lang nakakapagpatino dun. Spoiled na spoiled sya dun.

Pag tinanong sino matanda… ituturo nya yung dalawa kong lola! Hahahahah.

Lastly, Pag tinanong mo kung sino ang pogi….

..............................................


Maaga ako nakauwi ng bahay nung Friday at dali dali ako sinalubong ng aking pamangkin/inaanak. Ganyan ang itsura nya nun. Mas malala pa ata. hehe. at dali dali akong kiniss sa cheeks. hehe


Nakakatuwa pa e, hinanapan nya ako ng tsinelas at pinahuhubad ang sapatos ko sabay sabi ng "Nong, palit na!"

33 comments:

Mr. Chan said...

ang sarap ikiss nung may mga chocolates pa sa bibig! hehehe...

ambaboy ko lang :D

MOKS™ said...

kulet naman nya...hahaha

Désolé Boy said...

Manang Carlotaaaaaaa!!!!!!!
.
.
Dali, pakitawagan si Gina Lopez ng ABS-CBN Foundation at ang Bantay Bata.
.
.
Hahahahaha!!!!!

orally said...

may suhol doc?
nagsasabi naman daw ng totoo ang bata. sayang di ko nasilayan ang kapogian mo nung nagbakasyon ako dyan

sugar said...

sweet naman ni Majah..lab na lab ang kanyang tito ninong na.......





pogi? *kidlat*

hahahaha!

gillboard said...

cuuuuuuuuute!!!

Jag said...

Bigyan mo na kasi ng apo sina nanay at tatay hahaha...

Cno ang pogi?....LOLZ!

Makulit at bibong bata hehehe...

Jag said...

Bigyan mo na kasi ng apo sina nanay at tatay hahaha...

Cno ang pogi?....LOLZ!

Makulit at bibong bata hehehe...

Kamila said...

Waaaahhh! Penge pictureee!! Ang cutteee!!! Hay sana may ganyan din ako pamangkin!!

Kyle said...

hahaha mahal na mahal ka talaga ni Maja ah. naku spoiled kay tito.hahaa

Sean said...

ang cute ni maja!!! na-miss ko bigla mga pamangkin ko. kaso di ako ang tinuturo na pogi nung mga yun haha!

KRIS JASPER said...

Censored kung sino ang pogi????

LOL!

ʎonqʎʇıɔ said...

that is so cute! haha sarap mangspoil ng ganyang bata!

-ssf- said...

cutiepie naman ni Maja

my-so-called-Quest said...

@mr.chan - hehe. bata po yan ha!

@moks - may pinagmanahan lang. hehe

@DB - oi! haha

@orally - haha. tama, nagsasabi ng totoo ang mga bata. hehe

@sugar - ahehe. nasan kidlat? sayo lang ata meron e, he

@GB - thank you! hehehe

@jag - pwede rin. puro panganay? hehe

@kamila - haha. sa old posts po ng maja meron. hehe

@kyle - salamat. hehe. bat naman hindi. hampasin mo kamay pag hindi. joke!

@kuya KJ - hahaha. pinutol ko! haha

@citybuoy - haha. tama, super spoiled nyan sa bahay.

@ssf - ahehe. salamat

urbandenizen said...

Ang sweet! Her antics remind me of my nephew. And your story makes me miss them all the more. I wish it's not Monday but the weekend already.

chichirya said...

haha. parang ganyan nag tinuturo namin sa aming 5-year-old bunso.

glentot said...

Ang sweet naman ng pamangkin mo. Naalala ko tuloy yung pamangkin kong parang jukebox. Kailangan kong hulugan ng coin tapos sasayaw sya... hehehe

daniel said...

Cutie pie!! Mana sayo Doc : )

my-so-called-Quest said...

@urbandenizen - awww. malapit na ulit magweekend o. :)

@chichi - hehe. kulit lang dba?

@glentot - haha. tinuturuan mo ng kalokohan no? haha

@daniel - ahehe. di naman po. edi hindi na sya cute. ahehe

Nielz said...

Masarap humalik sa madungis. :D

mapabata o matanda. hehehehe..

kalansaycollector said...

cute. :)

soltero said...

haynaku i'm sure, pinilit mo lang na inukit sa isip ni Maja yung kung sino ang pogi! ahhahhahah :P

Xprosaic said...

Weh... dapat gawa ka na sarili mong chikiting para mas masaya... lol

Raft3r said...

teka
sino daw ba yun pogi
hehe

Nimmy said...

hongkyut nung bagets!!!!!

KikomaxXx said...

weee.. di pa pala ako nakapagcomment dito... wahehehe... kulet niya parang ako lang mabibo.. wahahaha

my-so-called-Quest said...

@nielz - hala. matanda rin? hehe

@kalansay - me? thanks. hehe

@ Soltero - haha. nagsasabi ng totoo ang mga kids. tingnan mo yung sayo. ahehe. joke!

@xprosaic - pwede. ngayon na? eto na!

@rafter - alam mo na yan parekoy. hehehe

@nimmy - ako? salamat! i know. hhehe

@kiko - ahaha. bibo talaga!

iprovoked said...

sweet naman, literally nung kiss! LOL,,,

Chiui said...

hello!

Hahaha cute naman. Bata <3 Wag mo tinuruan magsinungaling, jokessss :3

Chiui said...

Followed you on twitter btw! :D

wanderingcommuter said...

ang sweeeeeettt! hehehe

shenanigans said...

aaaww..

ang sweet!