Saturday, November 24, 2007

Anim na Dekada

Anim na dekada na ang nakalilipas, iniimahen ng aking isipan kung gaano kasaya ang iyong ama nung araw na iyon, ganoon din ang hirap at tuwa ng nanay mo noon. Malamang tulad ngayon, medyo may kalamigan na ang panahon at isang buwan na lamang at magpapasko na. Lima kayong magkakapatid at Panagtlo ka sa inyo. Pangalawa sa babae. Malamang ang araw na iyon, tulad ngayon, ay pinakamasaya para sa pamilya mo.

Madalas nakukwento mo sa'min noong bata ka pa, ang mga hirap na dinanas nyo. Madalas kailangan tumulong kapag nagsasaka at nagaani ng mga tinanim. Namumulot ng mga prutas sa bakuran. Paggisisng pa lang sa umaga ay kailangan nawalisan mo na ang bakuran nyo, at sa nakikita ko ngayon ay di mo to matatapos kaagad dahil sa laki. Naalala ko rin na nakuwento mo na minsan ang 3 pirasong galunggong ay pinagkakasya nyo pa sa 7 sikmura. Naalala ko rin na kapag nagaaral ka ay pinapaypayan ka ng iyong ama at ayaw ka kasi nyang malamukan.

Nagaral ka ng kolehiyo sa Maynila. ang 5 sentimong baon ay iyong tinitipid, pambili ng aklat mo at uniporme. Hindi mo nga gusto yong kurso mo. Nabanggit mo sa'min na nais mo dating maging Nars at makapagtrabaho sa ibang bansa. Pinapili ka ng iyong ama, at dahil sa kahirapan, Napilitan kang maging titser. Sa sobrang pagtitipid, nasagasaan ka pa nga noon sa may Kalaw habang patawid, natumba ka pala, nadiagnose ng ulcer. na hanngang ngayon ay sumusumpong pa rin. natapos mo ang iyong kurso. 39 na taon ka rin sa propesyon mo.

Nakapagpalaki ka ng 4 na anak. mga anak na masasabi ko ay nadisiplina mong maigi. Walang huwisyo at di napariwara. Naalala ko pa 4 o 5taon pa lang ako ay tinuturuan mo na akong magsulat sa maliit na blackboard. Dumating din ang panahon na bago mo ko turuan ng assignment ay dapat gawin ko muna iyon ng sa akin. ilang quizbee na ba kita nakasama at napanalunan natin? sa apat na anak mo, ilang beses ka na nga ba tumuntong ng entablado para sabitan sila ng medalya? ilang graduation speech na ba ang naalay nila sa iyo?

Noong nasa Ikalawang antas, nawala ako sa huwisyo. Nagloko ako. Napaiyak kita sa harap ng ibang tao. Hindi ko makakalimutan yon. Nakagawa ako ng bagay na hanggang ngayon e bumabalot sa alaala ko. Nagawa ko iyon dahil ayoko kang madissapoint sa kin. Nagsisi ako hanggang ngayon kung bakit kita napaluha noon. Noong panahon din yon ay nakaranas tayo ng paghihirap. Nagkasabay sabay ang mga nakatatanda mong anak sa kolehiyo. Pinanguutang mo pa ang pangtuition nila, makapasok lang sa paaralng prestisyoso. di k naman nila binigo, Matatalino kasi talaga sila inalay nila yon para sayo.

Ang esposo mo na kahit makulit ay alam ko na wagas kayong nagmamahalan. Ang panganay mo ng anak ay ikakasal na sa Enero, alam ko na ipinagmamalaki mo sya dahil malayo na rin ang kanyang narating. Yong dalaga mo, nasa Amerika na, madami rin kayong pinagdaanan pero madalas kayong magusap sa telepono at kumukuha sa isa't isa ng lakas. Iyong isa mo pang anak na lalaki, alam ko na lagi mo syang pinagdadasal at sya ang pinakamatipid sa mga anak mo at masaya ka sa kanyang nararating. Ako eto nagmemedesina, para sayo ay di pa tapos ang laban at alam ko hindi ka pa rin sumusuko. Tulad ng dati, lahat ng laban ko ay inaalay ko para sa iyo. Lahat ng natatamasa ko ngayon ay para sa iyo. At kapag napanghihinaan ako ng loob, iniisip kita at alam kong sasabihin mo na wag akong susuko.

Dahil guro ka sa Home Economics, Pinalaki mo kami ng hindi umaasa sa katulong, sinanay mo kaming magluto, maglaba at alagaan ang sarili namin. na sa ngayon ay labis kong nagagamit para mairaos ang isang araw. Tinuruan mo kami na huwag maging magastos lalo na na hindi lahat ng gusto mo ay para sa iyo. Tinuruan mo rin kaming maging matatag lalo na sa mga pagsubok. Guro ka rin sa mathematics, ilang timpalak na ba napanalunan mo hanggang ngayon?

Sa 39 na taon kang nagtuturo, natutuwa ako dahil lahat ng estudyante mo ay tinuturing ka nilang ina. Natutuwa ko dahil lagi ka nilang naalala. Iyong mga may natatamasa at nasa abroad na dati mong estudyante ay nagpapadala ng kung ano ano. Maging ang simpleng buhay na estudyante mo ay naalala ka. Natutuwa ako kapag may home-made card sila na gawa para sayo.

Salamat sa mga bagay na itinuro at naibahagi mo sa akin. patawad sa mga bagay na nakapagpasakit sayo na nagwa ko...

Inay, Maligayang kaarawan po.
November 25, 1947

13 comments:

aleli said...

wow..happy bday sa iyong INAY...napakasweet na anak...

oi..nagkasakit ka rin pala..hmm..pagaling na...

Diablo said...

ma, happy bertdey. ^_^

arjay said...

uy. andaming met bertday talagang pag november. happy bertday rin sa mum mo ;)

FerBert said...

wow! pareho sila ng mom ko, titser din... Happy Bday sa Mom mo kuya!

Saminella said...

Namiss ko tuloy nanay ko.

x said...

awww, sweet post. did she see this already?

my-so-called-Quest said...

@aleli - mabait kunyari. hehe. oks na po ko. matinding colds at grabeng dry cough ang tumama kaya pinahinga ko muna. salamt sa pagbati

@carl - abah, nakiki Ma na rin kau ha? hehe

@arjay - kasi madaming motel ang occupied nung february kaya madaming may bday! kaya mga november ay love child. hehe

@ferbert - ikaw ba ang long lost kapatid ko? wahehe. hirap maging anak ng titser. dami expectations at assumed na bully. hehe

@saminella - ang nanay ko ay nanay nyo na ring lahat. i can share=) sabi ko nga dati, ur mom is very proud and happy kung nasan ka ngaun.

@acey - yep sweet but i don't really show emotions kapag kaharap sila. i prefer it this way. honestly, i cried when i type this =(

KRIS JASPER said...

happy bday kay nanay mo.. na miss ko bigla nanay ko..

Anonymous said...

@krisjasper - your mom is proud of u and jan lang sya sa puso mo. naks!=)

Anonymous said...

HINDI ako Bully! Hindi ako BULLY! Sino mang magsabe na bully ako papaduguin ko ang nguso... (deny)

Mahirap nga maging anak ng titser kase ineexpect ng tao na maging matalino yung anak, buti na lng matalino ako pero HINDI AKO BULLY!

-Ferbert

Anonymous said...

wehhhhhh! di ka bully ha? hehe. ako di rin ako bully. hehe. mahirap pa du kapag nasa honor ka. iba iniisip kapag anak ng titser. hehe

FerBert said...

buti na lang nasa heaven na yung mama ko nung nag-aaral ako kaya hindi nila pwedeng isipin na kaya lang ako naging honor pupil/student dahi titser ang nanay ko... Matalino lang talaga ako! mana ako sayo... haha

Anonymous said...

@febert - apir! mana ka nga sakin! haha.