Saturday, May 10, 2008

Mom's Day

Napanuod ko sa isang commercial yung bata at sabi niya, “si nanay parang principal!”. Tapos may clip na pinakita, gumagawa yung bata ng homework at sabi ng nanay niya “tapos na ba homework mo?” with matching teacher get up at may stick pa. Natawa ko sa commercial na yun. Kasi naman, ikaw kaya lumaki na teacher nanay mo araw-araw kang ganunin. Hahaha


Yung nanay ko, di ako tinulungan sa homework niyan. kapag hihingi ako ng tulong, sasabihin niya, “Gawin mo muna bago ka lumapit sa akin”. Kaya habang tumagal, di na rin ko humihingi ng tulong sa kanya sa homework, pinapacheck ko na lng kung tama. Hindi ko alam na training niya pala sa’ming magkakapatid yon. Nung bata rin ako, bawal akong magturo kapag namamalengke kami kung hindi may palo kamay namin kapag nagalburuto kami sa palengke at di nakuha ang gusto namin.


Naaalala ko pa dahil nga teacher nanay ko, sabay kami kumakain sa school niyan, siya rin kasi ang may hawak ng canteen at HE. Math teacher pa yun pero ni minsan di ko narinig na nagreklamo. Minsan sa sobrang kagipitan namin, tanghalian lang naming dalawa sa school isang chicken noodle, tig isang itlog at kanin. Di ko makakalimutan yun kasi may oras na nagsaing ako, nasunog ko siya, pinagalitan niya ko sa harap ng klase at sabi niya ubusin ko yung sunog. Pinigil ko ang iyak ko nun at alam niyang nagalit ako. Ipahiya ka ba naman sa klase. Wala ako nagawa, kinain ko pa rin.


Marami din kaming di pinagkasunduan, alam ko naman paborito niya si kuya, yung panganay. Kahit hindi niya sabihin o ikaila pa niya, halata ko naman. Hindi naman ibig sabihin na paborito niya si kuya ay hindi na nya kami mahal. Oks lang sa’ming ibang anak yun. Kami rin naman ay tinutulungan ni kuya. Naalala ko ulit nuong umiyak ka sa harap ng principal ko nung high school na ko. Duon nagsimula ako magtino at ayusin kung ano ang gusto ko sa buhay ko.


Ilang operasyon na nga ba rin ang napagdaanan niya? Marami rami na rin. Pero nanatili siyang matatag kasi alam niya na kailangan niyang suportahan ang pamilya niya. Nuong huli kang naoperahan, ako yung nasa tabi mo noon, di na ko umuwi para mabantayan siya. Halos 40-taon na rin siyang nagtuturo at sa Hulyo na ang huling pagtuturo niya. Naextend pa nga kasi dapat nuong Nobyembre pa siyatumigil. Di lang talaga niya maiwan yun.


Ngayon, alam ko naghahanda na siya sa bagong papel na gagampanan niya. Alam ko wala pang balita pero ipinagdadasal ko rin na sana maging lola na rin siya. Isang papel na alam ko di niya hahayaan at papalagpasin, unang apo ba naman kung sakali.


Wala akong ipinagdarasal na sana lagging maayos ang kalusugan niya at sana sa mahabang panahon na magkakasama sama kami, maipakita ko sa kahit munting paraan na nagpapasalamat ako sa mga ginawa niya. Mapamaganda o mapapangit na nangyari sa amin, alam ko lahat yon ay para sa ikabubuti ko.


Happy Mother’s Day po Inay.


Sa mga mom nyo at mga moms na diyan, Happy Mother’s day din.

18 comments:

Diablo said...

happy mom's day, pakiabot ang pagbati. ^_^

chase / chubz said...

i remembered when i was a kid. i was a slow learner. my mom used to beat me with a stick if i don't get the lessons.

well, that was then but i turned out okai. got medals out of it.

happy mothers day!!

Anonymous said...

muntik nako maiyak tearjerker! waaaah..happy mother's day kay tita! lupet pala ni tita..nakalimutan mo yta ilagay kung pano ka pnagalitan dahil sa phone bill mo nun high school?! miss you and tita! mwah!

Kai Reyes said...

Awwwww :) I see, your mum brought you in a good way - look at you naman, you're very strong and clever & you can do things on your own.

Happy Mother's day to your mum Doc! ;*)

Kris Canimo said...

hapee moms day sa mga nanay ninyo.
ahaha, nabati ko na ata lahat ng nanay na nakakasalubong ko, pero sarili kong nanay di ko man lang mabati. hahaha kakahiya.

:)

Dakilang Tambay said...

happy mothers day din!

Anonymous said...

very heartwarming indeed.

happy mother's day sa mom mo. =)

Anonymous said...

happy mother's day to your mom, bro!!! =D

Coldman said...

Happy Mother's day sa lahat ng ating mga Nanay! =)

Anonymous said...

BELATED HAPPY MOTHER'S DAY SA MOMMY MO BRO!

Bigyan mo na kasi ng APO! xD

Anonymous said...

aaaahhhhh! ur so sweet!
...kahit gaano pa ka strikta ang mga mom ntn, there's always a reason...and time will come u gonna say, tama pla c mama!
...sana maging lola na c mama mo! :)
...happy moms day sa mama mo!

Ely said...
This comment has been removed by the author.
Ely said...

My mom was a teacher too. Retired na...
Belated Happy mother's day to ur mom!

crazed_heck said...

Alam ko late na pero Happy MOther's Day pa rin s lahat ng Nanay sa mundo!

KRIS JASPER said...

tagalog? I think first time kong mag read ng tagalog post sa site na to.

But I should say doc na cool pa rin yung naisulat mo, kahit may slight drama. Sino ba naman ang di napapa emo pag nanay na ang pinag uusapan?

Anonymous said...

belated happy nanay's day.

naku, isang nakakatats na entry.

hay.. talagang no matter what. ang mga nanay ay mga anghel.

Oman said...

Happy Moms Day to your mom.

my-so-called-Quest said...

@ everyone - salamat for greeting my mom. i hope u sent my greetings as well.

@ diablo, chase, muning, kai, kris, mk, docMnel, acey, kuya cold, kuya kuri, vera, ely, crazed, kuya kris, aleli, kuya lawstude and kuya mak. salamat ng marami for sharing your thoughts with me and i'm greatful that you have great moms.

even though we were raised differently, i'm gald i connected with you guys. salamat po ng maraming marami=]