A great blogger friend asked me a favor to post his sentiments. As I read this, word for word, I bet you he is sincere. When a guy is sincere to someone, he will do anything for that person, and my blog can totally relate to this chap.
May mga bagay sa mundo na sadyang mahiwaga, kakaiba at hindi maipaliwanag. May mga pagkakataon sa buhay ng tao na darating ang isang pangyayari na hindi inaasahan. At may mga pangyayari naman na may taong darating sa ating buhay para ito'y bigyang kahulugan. Nangyari ito, nang makilala kita.
Nagsimula sa pagkakaibigan. Doon naman talaga nagsisimula ang lahat. Simpleng batian at kumustahan, usapan at tawanan. At mula ng makita kita, lagi ko na agad iniisip ang susunod na pagkakataong muli kitang makakasama. Pagkat hindi sapat ang ilang oras na inilalagi natin. Iba ang pakiramdam tuwing kasama kita. Hindi maipaliwanag na ligaya ang nagpapabilis sa oras natin at pangungulila ang siyang nagpapabagal na muli kang makita ng aking paningin.
Hindi nagtagal, ang mga musikang pinapakinggan mo ay pinapakinggan ko na rin. Ang mga awiting kinakanta mo ay inaawit ko na rin. Ang mga pinapanuod mo ay pinapanood ko na rin. Ang mga paborito mo ay naging paborito ko rin. Ang mga tawanan natin. At ang ngiti mo, mga salita ng labi na walang tunog ngunit nagpapahiwatig na sa kabila ng lahat ay masaya ka, ay napapangiti ako. Sapagkat wala nang mas papantay pa sa pakiramdam na napapasaya mo ang taong mahal mo.
Alam kong may pagkakataong hindi ako naging mabait sayo sa kabila ng pagiging mabuti mo sa akin. Hindi ko man naibabalik ang mga pabor na hinihingi ko sa iyo, pinahahalagahan ko ang lahat ng ginagawa mo para sa atin. Hindi ko man naaabot ang mga bagay ng inaasahan mo sa akin, sinisikap kong higitan pa ang lahat ng iyon. Paumanhin sa lahat ng pagkukulang ko at sa mga hindi magandang salitang nabibitawan ko. Walang kwenta man ako, ikaw lang ang naging dahilan kung bakit may kwenta ang buhay ko. Dahil sayo nagbago ang mundo ko.
At hindi ako magbibitaw ng kahit anong pangako. Dahil may mga bagay na mas mabuting ginagawa kaysa sinasabi.
Malaki ang pasasalamat ko dahil nakilala kita. Kahit hindi mo sadyain, hindi maipaliwanag na saya ang ibinibigay mo sa tuwing magkatabi tayo. Ang dagitab na dulot mo na sumusuot sa aking buto. Sa iyong kanlungan nadama ko ang maging kuntento. At hindi matatawaran ang pagkalingang ibinibigay mo. Maraming maraming salamat sa iyo.
Kung may dahilan man ang lahat ng ito. Kung bakit ako naririto. Kung bakit ako masaya. Kung bakit ako maligaya. Kung bakit makulay ang tingin ko sa paligid. Kung bakit bughaw ang langit. Kung bakit kalmado ang tubig. Kung bakit ramdam ko ang halik ng hangin. Kung bakit ang oras ay matulin. At kung bakit patuloy pa ring pumipintig ang puso kong uhaw sa pag-ibig...
Walang ibang dahilan kundi ikaw.
At wala nang ibang maaaring maging dahilan ng lahat ng ito maliban sayo. Kung ako ang tagapagligtas mo, ikaw naman ang reyna ko.
To that someone… I know you’re reading this.

18 comments:
kdr, I am wondering why you woudn't want comments on this beautifully written post? it made me 'hayyyy' a lot. : ) It truly tugged the at heart strings.
My so called quest, HELLO! hehehe
emo? sana nga nagbabasa ung klangan makabasa. hehe
di ba ikaw nagsulat nyan? hehehe.
Sino ba nagsulat niyan doc? Ayos.
parang nabasa ko na yan sa iba
tagapagligtas? wow hehe. parang shaider.
hindi ko na maalala kung paano magmahal eh. cheezy pero totoo. btw salamat sa paglink ng bago kong blog. yahew!
hanggang dito! KDR! nagkakalat ng lagim. hehe. sagutin na nga yan. hahaha. pasayahin mo naman si kdr. hehe
ang lalim, muntik na akong malunod... parang di ko maarok ang kanyang gustong ipahiwatig dapatwat ang mga salitang nakasulat ay sadyang nararamdaman ng bawat isa sa atin. hahaha.. wala lang...
its been a while. nice post btw. :)
keep smiling...
literatura.
lol.. ang lalim.
to whom is this post ba?
haay..
this open letter is heavy!
kdr iba ka! hahaha
teka this came from kdr diba?
grabe naman.. ang saya naman nyan kdr.. idol!! sabi ko na nga ba eh in love ka..
doc ced, musta na? sensya at busyhan kasi eh.. nakakapagbasa naman ako, ndi lang ako nakakapagcomment.. sori...
@KDR: mabuhay ka! dumami pa sana ang katulad mo.
@Ced: baet baet! hehehe!
speechless... :|
@kdr - saludo ko sau!
sagutin na kasi e!
gusto mo kausapin ko? hehehe
Godbless sa boards, malapit na un. kaya mo na yuan lalo't inpired ka.
Permission to repost? Ganda eh. ;p
Post a Comment