Di eto yung kanta ha. Magpopost lang ako tungkol sa pera. Oo, alam ko iniisip nyo yan paminsan minsan. Laging tinatanong, san ko nga ba nagastos ang pera ko? Lalo na pagkatapos ng payday.
I rarely talk about money, una kasi di pa ko sumusweldo, di pa rin ako nagtatrabaho. Pinakamalaking pera ata na nahawakan ko ay nung class treasurer ako nung 3rd and 4th year highschool. Ang hirap mangulekta. San ka pa, Private School na may maririnig ka pang drama na “yung tatay ko nasa abroad, gipit kami, tingnan mo ang payat ko na” linya ni Carlo na kaklse ko nun. Ang loko, anak ng mayaman ganyan maririnig mo. Di mo ko maririnig na umungot ng pera sa magulang ko. sa kapatid pa siguro... hehehe
Ayoko tlaga pagusapan ang pera lalo na sa harap ng kainan. Minsan naguusap parents ko sa ganyan, sa kabastusan ko nilalayasan ko sila. Sa dinamidami ba naman ng bagay e ayun pa ang topic. Akala ko bubuntalin ako ng tatay ko sa pagalis ko pero mukhang natunugan nila yung rason. Di na nila pinagusapan. Minsan din yung pari namin dito sa simbahan. Kay aga aga ang sermon e pera. “Magcontribute naman kayo sa simbahan, ako nga 2 milyon na nabigay ko sa pagpapagawa” sambit nya. Nilayasan ko nga. Nagsorry na lng ako kay God na sana maintindihan nya ang pag walkout ko.
Aaminin ko magastos akong bata. Pero siguraduhin ko sa inyo ipon ko naman yun. Nagiipon ako 100 isang araw at kapag may natripan akong damit bibilhin ko yun. Typical sa edad ko. Katangahan ko nga lang, hello, 5 times a week akong nakauniform. Hanger lang nagsusuot. Nung nasa highschool din ako e galante akong bata. Di lang sa nililigawan ko ha pati sa mga tropa nya. Hehhehehe. Pamasahe lang naman yun. Noon yun, nung wala pa kong kamuwang muwang. Pero simula nung nagcollege na ko tapos nagaapartment na ko sa project 6 hanggang nagdorm naman sa Fairview, nagtipid tipid na ko. Nakonsensya sa pinaghihirapan ng magulang ko. Pag maluwag luwag ang schedule, nilalabhan ko ung uniporme ko simula Lunes hanngang Miyerkules kasama na pambahay ko at panloob. Plantsado ko na rin kapag bumalik na ko kinaLingohan. Yung di ko nalabahan inuuwi ko na muna sa bahay. Ayoko sa laundry, mahal na pangit pa maglaba. Ako rin nagbabayad ng kuryente, tubig at internet ko. Nakakahiya naman yun, wala na kong trabaho iasa ko pa pangluho ko. Namen! Hehe
Sabi nga nila kapag doctor ka na, giginhawa ka na rin. Totoo yun sa mga doctor na talaga naming kinarir ang pagiging doctor. Pero sa totoo hindi ako umaasang magiging mayaman gawa nun, una buhay ng pasyente ang dapat inaasikaso. Hindi ang sariling bulsa. Kung magiging maginhawa man ang buhay ko. Mas pipiliin ko na rin ang buhay na may katulad kami ngayon. Nasa gitna lang.
Kaya ko nagawa tong post na to gawa ng Nanay ko ulit. Bumalik kasi siya kanina sa eskuwelahan. 2 buwan na lng at magreretiro na siya. Mejo nagkasagutan kasi kami. Sabi ko e hayaan nya na muna at magpahinga naman siya sa bahay dahil next week pa naman ang resume ng classes. Naisip ko tuloy yung plano namin ng isa kong utol na bilhan sya ng oven para kapag retired na sya meron naman syang libangan ay paguwi ko may masarap na cake sa lamesa! Hehehe.
33 comments:
ako rin..aya ko ng pinag uusapan ang pera sa harap ng pagkain..unang una kasi madalas sa away un napupunta..pangalawa wala naman talga kming pera at kami'y hamak na dukha lamang.
ang uliran mo nmang anak..at mukhang responsableng mamamayan ng bansang pilipinas..
(un ay kung tama lamang ang aking interpretasyon sa nabasa ko..nobody's perfect so i stand to be corredted..hahaha)
basta wag paalipin sa pera kasi tyak magtatamasa ka nyan pag doktor ka na. pero mabait ka naman kaya tyak ikaw kokontrol sa pera. ako kasi kahit abogado na simple living pa din ayoko kasi yumaman dahil money is the root of all evil. ingat lagi doc.
@churvah - sabi mo pa. sa away lng napupunta!
ay dipo ko mabuti may mga kapilyuhan din akong patok at anak pawis din po ako=]
@kuya lawstude = saludo nga ko sayo kuya. simpleng buhay. nako sayo ko kukuha ng legal advices pag docotr na ko. magtatayo ako ng business. abortion clinic. ayyy. heheh. juk lng po.
ayoko ring pag-usapan ang pera kasi di ako nakaka-relate. hehe. in fact, it's the root of all evil. but some people say that it makes the world go round. ang gulo talaga nila. hehe.
wow! buti ka pa kasi alam mo na ang "calling" mo. i know you'll become a good doctor. ako ang una mong pasyente. hehe.
hey. aga mo magising ah. 7:17am ka nag comment sa blog ko.. di mo ko ginising. 8am na ako nagising.. na-late 2loy ako d2 sa office. hehehe.
anyway.. yeah.. nasabi ko na rin sayo yun db. i hate money talk. super. ders something on me na belief that money is the key to sins. ewan kung tama ako. pero yun kc naiisip ko. or maybe dala to ng trauma. just a history in my life na ng dahil sa money, nakita ko kung pano maging greedy yung ibang tao to da point na sirain yung buhay ng ibang tao.. im just a little girl nun pero nagmark sa isip ko yung ganung scene. Y_Y
hala.. lumabas yata yung galit ko. hehe.
although, magastos nga ako, i make it to da point na di ko napapabayan yung responsibility ko about sa money. and i rili see it na walang nahihirapan sa money sa mga relatives ko.. esp my step-sister. =)
btw, sabihin mo kay mama mo, patikim ng cake ha. ^_^
ano ba yan.. napakanta ako sa title mo eh.. nagulat ako sa intro eh ndi pala kanta yan hahaha
@beero - link kita ha=]
oo ba ikaw una kong pagpaparaktisan. hehehehe. oks lng ha? libre un!
@vanny - syempre the early bird cathces the early *toot* hahaha.
ayoko pagusapan ang pera pero gusto ko magkapera! ahehehe. labo no? haha
@jep - ge lng kanta ng kanta! heheh
minsan kahit isipin mong hindi ka naman talaga materyolosong tao, sasabihin mo pa ring, money indeed makes the world goes around...
-coming from me, unemployed. hehehe
@wanderingCommuter - sinabi mo pa... hehehe. ayaw ko lng napaguusapan sa maling oras at maling lugar.
- pareho tayo unemployed! ahehehhe
basta pinaghirapan sa tamang paraan at gamitin din sa tama ay ayos lang
Ang bait mong anak, marunong ka nang mag-budget.
sure. i'll also like you up.
ok lang sa kin yun basta libre. just make sure na gagaling ako. hehe
ako rin sobrang magastos.. kahit hanggang ngaun, aminado naman ako dun.. at galante din ako sa mga kaibigan ko.. lalo na rin dati nung may boyplen pa ko.. tipong mamatay na ko sa gutom wag lang sya..
pero dati yun.. ay ngaun pala ulit, oo. hahaha.. nadadalas kasi ang gimik, pero sinisigurado ko naman na pera ko yung ginagastos ko, hiwalay sa inaabot kong tulong kila mama at papa..
natuwa naman ako sa cake. ahihihi
hala, di napublish lahat ng comments ko yesterday.
pero truly, money matters are crucial nowadays. our situation is not getting better. hope we all get by just fine.
di ko ata alam yang kantang yan. bago po ba yan?
anyway, mahirap nga ang pera. kanina ay nagwestern union na naman. padala sa syudad ng leon... para kay inay. (share lang.)
tsk, tsk.
mabuhay po kayo.
@nanayBelen - marami pong salamat. nakakflatter po. pero i have fair share ng mga kapilyuhan. salamat po ulit at ingats po kayo
@beero - ayusin ko po mga links ASAP=]
@ayz - share-an kita ng cake. hehehe. sa bf pa nagshare nako! di ba dapat sya manlibre sau? ahehehe
@diablo - salamat po sa pagdaan. sana maging maayos lng din ang lahat=]
@roro - nako lumang kanta yan 70's pa ata yan. hehehe.
nabasa ko post mo regarding tubular necrosis. quite good! galing=] keep it up bro=]
aaaw. ako rin namamahalan sa landry.kaso ang prob paghindi natutuyo ang damit ko sa sampayan.wehehe..
naku..idol kita doc. patient care first!!
*link you up, rather
cguro sa mga umaasa sa iba, ayaw nilang pagusapan ang pera... pero sa mga nagtratrabaho at gumagastos para sa iba, cguro naman may karapatan clang pagusapan e2. darating din ang panahon na mauunawaan mo cla pag nasa katayuan ka na nila. naisip ko lang...
at least responsable ka naman...
^_^
@beero - salamat bro=]
@regayano - siguro tama ka nga. dahil wala pa kong naiicontribute sa kanila pero sana sa pribadong lugar na lng. parang pakiramdam ko kasi pabigat lang ako sa kanila.
salamat sa pagdaan=]
patikim ng tinapay or cake ha.. yumyum..
by the way.. alam mo ung blog awards challenge? nominee kasi yung "Anonimo" ko dun. if u like it..pakiboto na lang po.
kudos! pasukan na!
Kanta ba yan nung 70's? hehehe
Ayoko rin pinag-uusapan ang pera. For me, pag-awayan na ang lahat wag lang pera... :P
@vern - oo ba, daan ka nalng dito para sa slice ng masarap na cake! ahehehe
ge ge, basahin ko bro=]
@ ely - nabasa ko lng 1984 ata yan. hahaha.
oo nga kahit ano na lng wag lng pera!=]
doc, buti ka pa may pera ako wala,,pautang naman o! hehehe..
isa lang masasabi ko sa taong katulad mo....isa kang huwarang anak..hehe=)
Doc ced, mahilig ka pala mag-walk out... naman...
baka naman pag doctor ka na, pag may di ka nagustuhan mag wo walk out ka na naman kahit di pa tapos operasyon.
nako!
pera pera
sabi nga sa kanta
Money, money-money-money
It drives the world crazy
@dra. Rio - yey magpapasukan na! hello allowance! hehehhe
may mga pilyo moments din po ako=]
@kuya kris - pinagiisipan ko nga yan e, siguro yung bagong buka pa lang tapos sisigaw ako ng... I GIVE UP!
@nash - pareho tayo... kelangan sumideline sa circle! hehe
sakit sa ulo ang money talk lalo na kung madami ka pang ibang pnoproblema
ayoko rin pag-uusapan ang pera..oo wala pa ako trabaho pero minsan kasi nararamdaman ko na nagpaparinig sila sakin na magtrabaho na para makatulong. di naman kasi madaming kumuha ng trabaho e.
@jm - korek! hehe pero minsan mahirap din pag wala=[
@mia/mk - sabi mo pa. parang gusto ko sumideline this sem..
wahaha..si carlo extra dito? what the?! :)
hmm..so i guess mas nililibre mo pala ang mga tropa ni *toot* kysa samen..iyak nko..
i never thought ur such a kuripot nowadays..kc never ko un na experience sau.naaaks!!!
yeah i can so relate to working hard for the money..kung minsan nangingnig na ktawan ko sa pagod..pero pera pera pera ang nsa isip ko..sayang ang future kung magiging ttamad tamad tau ngaun.. work hard while we're still young!
i know someday life will give you something that you deserve..intay intay lng muna..iniintay ko rin actually ang pagiging doktor mo..para nman mkalibre kme ng mga future anak ko at future inaanak's mo..hahaha!
@kumareng muning - as preparation kelangan masanay na ko sa tawag kong yan. hahahha
nako kasi kapag kayo treat ko di ko naman iniisip at kunukwenta. mas espesyal kau e=]
magpahinga ka naman. kinakarir mo tlaga yang karir mo e. naalala ko si gwyneth sa view from the top kapag naiisip kitang nagwowork!
miss na kita muning!
Post a Comment