Tuesday, September 2, 2008

Estudyante... Ninong... Abay...

Ngayung lingo na to ay napasabak at mapapasabak ako sa tatlong yan. Tapos na rin ang exam week kaya karir naman ako sa pagblog ngayun. hehehe
Sa pagiging estudyante, mejo nakakapagod na rin pala. Puyatan, matutulog ng alas dose ng madaling araw tapos magaalarm ng alas dos o alas tres ng madaling araw din. Minsan hindi na nga ko nagigising. Pinakamalala ko na yung last week. Natulog ako ng ala una at sabi ko gigising ako ng alas quarto. Hindi ako nagising. Alas siete na at trenta minutos na lang at exam ko na nun. Buhay nga naman. Pero sabi ko oks lang yun. Pagod na talaga siguro ako. Minsan di ko maiwasan na magisip kung tama pa ba ginagawa ko? Wala munang diet diet habang nageexam. Pagkatapos na pagkatapos ng exam kahapon e dali dali akong nagpunta sa Trinoma at nagpagupit. Buti naman at nakapagrelax kahit papano. Sana maging ok sang mga resulta. Worth pa kaya lahat ng sacrifices ko dito sa med school?

Ninong naman ako sa biyernes, nung December kasi hindi ako nakadalo sa binyag ni inaanak. Yung tropa ko nung kolehiyo kinuha akong ninong nun. Aaminin ko sa inyo na pang 4 ko pa lang na inaanak yun. Supladito kasi ako. Epektib naman kasi wala masyado kumuha. Heheh. Diba bawal pa tumanggi? Yung una kong inaanak e di ko na alam kung nasan. 12 pa lng ata ako nung naging inaanak ko yun. Tapos yung isa nasa Paris, musta naman, panu ko yun reregaluhan. Yung isa e sa tropa ko dito sa med school. Inaabut abutan ko na lang. Kaya etong huli, kaka birthday lang nung August 28. At dahil nga hindi ako nakapunta nung binyag at ng birthday e todo effort si ninong magregalo. Hehe. napagastos ako sa gift at iniisip ko pa kung maglalagay pa ko ng pera. Kinukulit ko ang sales lady sa isang boutique na pambata at sabi ko wala bang student discount yan. Di ko masabi kung ano pakiramdam na bumibili ng regalo na pangbaby. Iniisip ko rin kung anu iniisip ng sales lady. Baka sabihin e tatay na ko. Haha. Minsan iniisip ko na rin magkababy. Anu nga kaya pakiramdam? Hehe

Sa Sabado naman e kasal ni insan. Nasabi na nya sakin nun na abay ako. Bunso kasi siya sa magkakapatid, maging yung mapapangasawa nya ay bunso din kaya lahat ng abay ay bunso. Kulit diba? Hehe. Pero last Monday lang naipamigay ang invitation at akala ko ay hindi naman talaga ko kasali sa entourage. Pero nagtext ang nanay ko at sinabing iuwi ko daw ang black shoes ko this weekend dahil aabay nga. Natext ko tuly ang nanay ko ng “ho my, I’m not prepared.” hahaha. ipapakita ko ba pics ko na nakabarong sa susunod na post? hmmm... hehe

33 comments:

Oman said...

ayos doc. ako din dami ko na inaanak from mg batchmates, halos lahat yata ako ninong kaya pag ako nagkaanak wala na ko pwede kunin. lols.

my-so-called-Quest said...

@kuya lawstude - ganun nga ata yun. bawal kunin sila kapag may inaanak na. nako tara kelangan na natin gumawa ng madaming babies bago tayo maubusan. heheh

N said...

"say something baby"

waaa now ko lang na-notice yan at nawala na sa isip ko ang dapat kong i-comment. LOL

pagbalik ko na lang. heheh

† Yods† said...

marami din akong mga malibog na kabarkada at lahat ng mga anak nila ninong ako. nyetang yan! sa susunod dapat ninang naman, for a change, di ba? ahaha

sige post mo dito yung piktyur mong nakabarong ng mahusgahan natin kung bagay sa yo. :)

hectic ang sked, artista a. take out ka food ha. enge ako. lolz

my-so-called-Quest said...

@white - hehe. nakakawala ba ng focus? hehehe.

@yoda - ninang?anak ka ng.. hahahaha. oo post ko pic ko na nakabarong wala nga lng pants. agree? hahaha

Rio said...

madami din akong inaanak pero iilan lang ang kilala ko tlga..hehehe

patingin ng picture na nakabarong ha...=)

Anonymous said...

"sir para san po? ilang taon na po ba ang baby nyo?"

yan tanong sakin ng saleslady kapag bumibili ako ng regalo sa inaanak ko. kaya simula noon di na ako nagreregalo, namimigay na lang ako ng pera. tsktsktsk

my-so-called-Quest said...

@doc rio - gumagawa ka ba ng listahan? heehhe.
sige send ko sa ym mo ung pic ko. ahehehe


@fb - hahaha. natawa ko dun ah! hahaha. itay, mano po!=p

Jerick said...

ninong, regalo ko po...

towr said...

ay isa pa lang ang inaanak ko! di kasi ako friendly. hehe

dak/james said...

Hahaha... yan din iniisip ko e, minsan parang hindi makita ang halaga pa ng aking ginagawa... pero im trying to be strong...

Kaya yan!

Lapit na din ang finish line!

JM said...

ung regalo ko, ninong? :)

PoPoY said...

doc kung ipapakita mo ang picture mong nakabarong ka at ikaw pa naman ang candle, FOR SURE IIYAK KAMI. wag na wag kang pipikit. hahhahahaha alam mo na yun kung ano hahaha :)

gudlak sa busy schedules :)

Dakilang Tambay said...

ako 3 palang inaanak ko. sayo na ang susunod. wahahahah

my-so-called-Quest said...

@curb - laki mo na oi! hahaha


@towr - ur back! hehehe

my-so-called-Quest said...

@dak - will our sacrifices be as fruitful from what we want? hay...



@jm - isa ka pa. laki mo na e. hehehe

my-so-called-Quest said...

@popoy - for some reason wala ko pic na mappakita. alam mo na un. aheheh


@mama mia - abah. haha. sige sabi mo yan ah! hehe

Anonymous said...

wow.. ung estudyante ang hindi ko nadaanan ngaung taon ah. ung abay at ninang naging role ko rin yan lately..

Coldman said...

buti na lang konti pa lang inaanak ko! lol!

dapat may pic kang naka barong para masaya!

Maria said...

ipost! ipost! i insist! haha. take out mo naman ako sa handaan, nagugutom ako eh. haha

Anonymous said...

san ba kita makikita. hahaha. laging nagla-lag ung internet dito sa library natin. ahehehehe

palibre naman ako ng pizza ahahaha


ang toxic mo naman kuya! hahaha panalo ung nagising ka ng 7am. panu un. anong exam un. hahaha. cguro naman nakahabol ka. ehehehehe

ako magiging anim na inaanak ko ahahah.may tinanggihan na nga ako eh kasi sabi ko wala pa nga ako trabaho andami ko na inaanak, madami ako reregaluhan. huhuhu

sugar said...

ay intriga yang pic na yan.
pakita nga nyan sa sunod na entry.

gnyan talaga pag sikat,
hectic ang sched.
haha.

at talagang inihihirit ni yods ung take out na food,haha.

Ely said...

nakow, dami mong babalutin na regalo. para sa inaanak, sa ikakasal, mga pamasko, tas ung gift mo pa sa birthday ko. Tara tulungan kita mag-gift wrap. hehehe

KRIS JASPER said...

may binyag

may kasal

kulang na lng eh __________.

dami ko ng inaanak.

nakalimutan ko na nga ang iba eh.

N said...

Eto doc, focused na ako:

ayaw kong maging ninong hangga't pwedeng manghinde. malaking responsibility yan sa inaanak mo besides sa pressured ka pang magbigay ng regalo sa birthday, christmas, graduation at pati siguro sa kasal nya. i have never seen myself as a good godfather and i have not seen any of my godparents since i was ten years old. bitter me? siguro.

ayan, serious yan. hehe

N said...

Eto doc, focused na ako:

ayaw kong maging ninong hangga't pwedeng manghinde. malaking responsibility yan sa inaanak mo besides sa pressured ka pang magbigay ng regalo sa birthday, christmas, graduation at pati siguro sa kasal nya. i have never seen myself as a good godfather and i have not seen any of my godparents since i was ten years old. bitter me? siguro.

ayan, serious yan. hehe

Camille said...

ninong, kumusta naman ang exams? hehe.. ganyan tlga. pag inaantok na talaga, dapat itulog. :)

my-so-called-Quest said...

@lunes - nako mabenta rin pala si ninang. hehheh



@kuya coldman - sorry po alang pic. huhu

my-so-called-Quest said...

@icka - di po ko nakauwi...


@yeye - angnenet ka jan? dami virus jan. hahaha. gamit na gamit ang miscellaneous fee ahhh! hahahaha

natutuwa naman ako sau. graduating ka na pla e. yahoo!

my-so-called-Quest said...

@churvah - wlang pic. ahuhuhu. walang fud. ahuhuhu



@ely - sige nga tulungan mo ko. iaral mo rin ako one time. ahehehe

my-so-called-Quest said...

@kuya kris - anu kulang? kasal? libing? coronation nigh ng mr med? hahaha.


@kuya white - sabi mo pa na malaking responsibility. nakakakaba rin dba? pero parang nakakatuwa na you are trusted a life by someone na close sayo. hehe

my-so-called-Quest said...

@doc cams - hehhe. tulog na tau! hihihih

Anonymous said...

ninong doc!!! :D