Monday, November 10, 2008

Time to Say Goodbye?

For a change, magpopost muna ko ng masaya at tagalong (taglish?). Para mapaiba naman kasi alam ko e sawang sawa na kayo sa kadramahan ko. Kahit hindi naman kasi actor by profession e napakadrama lagi ng pinopost ko. Sa katunayan, dito ko lang naman nasheshare yun kasi nga e hindi naman tlaga ko malungkutin sa personal.

Last Friday ay dumating na yung iniintay nila nanay na package from ate. First package na padala nya kaya ayun naman sobrang excited sila kaya tinetext agad ako ukng kelan ako pauwi. Niloko ko yung utol ko na kinabakusan pa ko makakuwi dahil late na kami pinalabas pero ang totoo ay 10 minutes away na lang ako sa bahay nun. Natuwa naman ako sa ate ko nun kasi sinigurado nya na lahat sa amin e meron. At kahit hindi ganun kalaki kinikita nya nakuha pa nyang magpadala. Ang gusto lang naman nun in return ay may makausap sya. Kaya kapag tumatawag yun ay ubusan talaga ng call card. hehe

Hindi ko na iisaisahin ang pinadala nya. Baka sabihin nyo pa nangiinggit ako e hindi naman kainggit inggit. Hehe Pero kay ate, thanks ng madami. Makakaluwag ka rin dyan at one time bibisita ako sayo! =p sagot ni kuya coldman at kuya krisjasper! Hehe.

Last Saturday naman ay mineet ko yung friends ko since high school. Sayang nga at wala si Muning at Enkai. For sure mas magiging masaya yun. Umuwi kami dito sa dorm ng 2am at nagbalak uminom pero umorder at kumain na lang dito sa room ng jobi. Kahit saglit lang yun nagenjoy naman ako. Madaming recall ng kalokohan nungg high school at madami rin silang tanong regarding sa med sa akin lalo na sa reproductive health. Hahaha. Pero seryoso, nagugulat ako sa tanong nila. Oks lang naman kasi at least natetrain ako sa ganyan. Kahit naplano nilang uminom, naiwan nila lahat ng alcoholic beverages na nadala nila. Goodluck naman sa liver ko. Hehe.

Pero kung may happy happy syempre may kapalit yun. Yun ay yung cp ko. 3 beses pa lang ako nagkakacp simula nung nauso yun. Una ay yung Samsung na kulay blue na hindi ko pa alam ang name. nanakaw naman yun sa school ko ng premed kasi hindi ko naman aakalaing nanakawin yun sa bag ko habang gumagawa ng experiment para sa research. Yung pangalawa ay 3210 ng nokia simula nung nawala ko yung Samsung ay yun ginamit ko hanggang sa first year med ako dito sa FEU. Sabi nga ng tropa ko dito ay astig daw at yun gamit kong cp. Sabi ko naman, di naman ako anak mayaman at ayoko naman kasing makipagsabayan dahil nakakatext at nakakatawag pa sya. Tuluyan lang akong nagpaalam kay 3210 nung nasira na sya. Unknown ang cause of death nya at kahit ipa-autopsy ko pa yun, for sure mas mahal pa gagastusuin ko.

Tapos yung last ay eto, nung gumala kami ng sabado, 2 kasi yung dala ko na cp (isa yung sa erpat ko dahil dun daw tatawag si ermat) at dahil na rin siguro mababaw lang ang bulsa ng pants na suot ko. Ayun naramdaman ko na lang pagbaba sa taxi ay wala na yun. Nagpaparamdam pa naman sya nung araw na yun kasi nung night before nun ay tinabi ko yun sa akin na matulog na usually nilalagay ko sa side table ng kama. At dahil tamad naman akong magtext ay pang tawag ko na lang sya pero that day ay tadtad ang messages sa kin.

Nalungkot lang ako kasi madami akong importanteng contacts dun. Mga messages ni Cath na hindi ko binubura. Mga pics ko! (fucking shit!) Messages ng mga friends ko na nasa abroad. May pagka sentimyento kasi ako kaya ayun medyo depress depressan pa hanggang ngayon.

Hindi naman ako nagrerequest ng kapalit sa mga kapatid at magulang ko. Hindi ko naman kasi tlaga gawain yun. So for now, e primitibong buhay muna ko. Sabi ko nga sa kaibigan ko dito sa Med e back to snail mail muna. Hehehe. Once again, napatunayan ko na walang permanente sa mundo.

Pero kahit na nawala na yung cp medyo narealize ko meron naman mga naging kapalit. Mas higit pa sa pagkamaterial na naramdaman ko nung nawala yung cp. Yun ay yung malaman ko na sana maging ok na rin ang ate ko sa abroad at matupad ang gusto nya at lagi lang syang maging safe dun at iwas sa sakit. Pangalawa syempre na kahit may mga differences kaming magkakaibigan, sila pa rin naman yung maasahan ko at alam kong nandyan kahit anung mangyari. Kahit may naibahagi ako sa kanila, hindi nila ako kinuwestyon. Kaya salamat mga pareko at mareko!=P

27 comments:

RJ said...

First time kong nakarating dito, pero sa recent post mong ito, may bachground na kaagad ako rito sa yo at sa blog mo. Babasahin ko mamaya ang mga kadramahang binanggit mo.

Med student, wow!

Hindi ba mahirap na walang celfone? Ako dalawang cp rin dala ko, isang may roaming SIM at isang local SIM dito.

Time to Say Goodbye?!?!? To your cp? Or sa pagba-blog?

N said...

akala ko con te partiro na talaga...hehehe

i have a cp na matagal ko ng tinatago because of certain personal reasons (senti value hehe) until 2 decembers ago when i decided to let it go....yung cp na yun iniingatan ko talaga kahit sira na....nililinis ko pa...:)

those were the days. yun lang doc. hehe

ingatz!

gillboard said...

awww. ang sarap ng may natatanggap na balikbayan box. lalo na kung close mo yung nagpapadala, kasi alam talaga kung ano ang gusto mo.

KRIS JASPER said...

OMG! I cant imagine my earth without my CP. I'll commit suicide.

And hey! sabi ni ate mo may share daw ako dun sa package na dumating jan. ipadoor to door mo na lang daw d2. lol.

Anonymous said...

@ rj - salamat ng marami=]

mahirap pero nakakasurvive naman hehe


@kuya white - mamimiss ko tlaga cp ko! hehe

bat mo kaya tinago un? share naman! hehe

Anonymous said...

@gb - ahehe sabi mo pa! ang galing nga ni ate nasense mga kelangan namin! hehehe


@kuya kris - wala daw e. ang sabi nya, ikaw daw magpapadala sa akin! heheh

musta na jan kuya!

Anonymous said...

i'm so sorry to hear about your cellphone, bro... sana fairy godmother ako so i can give you 1. iPhone pa siguro. :) kidding!

PoPoY said...

doc ced. buti nga sau.lols. biro lang. nasabi mo na nga ito sa akin. nagtampo yung cp mo. diba sabi mo hindi mo yun masyado ginagamit? ayun naglayas, tumalon mula sa bulsa mo. huwaw, pedeng gawing story ng isang cartoon film to.lols.

hingi ka na lang sa kuya mo. tas hingin mo na din yung ticket ha. may paramis ka. lols

sana maging okey si ate mo. at sana maambunan din kami ng pakeyds :)

Anonymous said...

may hint pa rin ng kadramahan ang post na yon haha...

Anonymous said...

grabe, bilib ako sayo ha? nakaya mong walang cp sa medskul eh ako hirap talaga pag wala kasi papalit-palit ang sked ng klase (lecheng mga doktor kasi) at by text lang sila nag-iinform.

first time ko dito. blog seems insteresting. will read up the rest of your posts =)

Cordillera Blogger said...

Doc,
Ako matanggal nang walang package na dumadating sa bahay tuwing pasko...mga 10 yrs na kasi ang dad ko umuwi galing abroad din kaya nakaka-miss din yung nag-uumpukan kayong lahat na magkakapatid sa sala at excited makita kung ano ang pinadala...hope ok ang sister mo abroad...pabili ka na lang ng cp...hehhe...gandang araw doc!

my-so-called-Quest said...

@acey - iphone? for me? wow!
hehehe. nagiintay ako ng grasya from kuya kj at kuya coldman. sama mo na si kuya mak at kuya white. hehe. mga sponsors! hehe

ingats ka palagi!

@popoy - langya ka! hahaha
madaming sokoleyts sa bahay! ehehe

my-so-called-Quest said...

@enkai - una, mga blogfriends! this is my best bud! enkai! hehe

my-so-called-Quest said...

@siangel - mahirap pero may paraan naman for sure para malaman! hehe salamat sa pagdaan=]

@sirJm - di nya nababasa yung blog kaya panu kaya nya malalaman na kelangan ko ng cp? hehehe

ingats palagi=]

Rio said...

ok lang doki kahit pang primitibo yang selpon na gamit mo..ang importante ay may load na pangtext at pang kol...ingat sa susunod ha..

katuwa naman at padala ang ate mo sa inyo...mayextra tsokolate k ba?penge naman..hehe

Anonymous said...

Wuhuhuhu bad trip na timing yun. Di normal gig last Saturday di tuloy ako nakahabol sa inyo! Parang 5 seconds ko lang kayo nakita nun grrr. Syux ka-sad naman yung sa fone mo=( Oh basta makasama ko sana lit kayo soon. Ingat lagi ah.

Anonymous said...

hala,sayang naman..tsk..

ako naman malas sa cellphone. nanakawan na ako..laging nasisira cp ko...kung hindi ung charger. hahaha

Coldman said...

wow! balikbayan box!

share naman dyan! lol


may cp akong 3310! gusto mo. dyuk.

.::. Vanny .:. said...

uyyy.. may package. so, di mo na kakailanganin yung ipapa-package ko? hehehe.

san na nga ba c ate? sabay ka sa akin sa pag alis gusto mo? ksya ka ba sa maleta ko? hehehe.

missyu too fafa ced! :D

.::. Vanny .:. said...

nakalimutan ko.. kaya naman pala unaattended ang cp. tsk tsk. i have extra fone, u wana borrow? kunin mo d2 sa bahay. hehe. :p

Anonymous said...

@dic rio - wala nga po ko cp! hehe baka naman pwede mo ko pahiramin jan! ahahah. juk lng doc!=]


@xtel may next time naman! bawi ka next time. miss you=]

Anonymous said...

@yeye - makikitext na lang ako sau skulmeyt oks lang ba un? hehehe


@kuya coldman - iintayin ko cp mo. email ko sau address ko ha. hahah

Anonymous said...

@vanny - wow ang dami mo ng gip sa kin

pabango

cp

lappie

shoes

anu ba kapalit? ahehehe

Anonymous said...

Ya. Watch tayo Twilight! Hehe!

Anonymous said...

@xtel - pwede! yey!!!

.::. Vanny .:. said...

@ced
lappie? may sinabi ba akong kasama to?

hmm.. kapalit? uhmm. turon! =)
gusto ko special ah. yung with langka. yhumyhum.

hala. goodnight na nga. baka kailanganin ko na nga yung orlistat. hehhe. nyt fafa ced! hihihi

Anonymous said...

Yahooey! Basta ha. Sked nyo. Parang gusto din daw ata ni Ruby One True Love haha eh bday... Pagbigyan. Haha. Basta Twilight din ha. Plz plz=D