Pagpasensyahan nyo na at hindi ako nagpacomment last time. Trip ko lang iyon. Hehehe. 4 days halos ako nagbakasyon simula nung November 29 hanggang December 2. Kaninang umaga lang ako bumalik ng dorm. Sa kadahilanang tinamad ako. Hehehe. Aaminin ko na umabsent ako sa isang subject. Pero don’t worry, inattendance naman ako ng isang kaibigan. Kapalit ng pagabsent ko ay madami naman akong nagawa, siguro ayus na rin yun dahil exam week na naman sa susunod na Miyerkules, meaning di na naman ako makakauwi this coming weekend. Kapalit nung attendance nga pala ay gumawa na ko ng notes galling sa reference book na sya naming aaralin. Sinipag kasi akong magbasa.
Dahil nga pla busy ako nung 30 ay hindi kasama yun sa bakasyon ko. Hehehe. Basahin nyo na lang sa babang post kung bakit. Nung December ay nagayos na kami ng bahay at nagdecorate na ng pampasko. Wala muna kong pic kasi wala nga kong cp diba? Ahehehe. Meron naman na kong cp pero wala kong USB cable para dito. Unlike sa nok-nok ko na may USB cable. Tong Samsung e wala! Booo! (libre na nga nagrereklamo pa ko o!) hehehe
After nun ay pumunta naman ako sa isang resort malapit sa amin. Natuloy ang inaasam asam kong swimming. Sa sobrang kalapitan nun sa amin ay pwede mo ng lakarin. Pero di ako naglakad syempre. Hehe, nagpahatid naman ako. So nung hapon nun hanggang 9 ng gabi ay nandon ako. Nagsenti, langoy langoy, senti ulit, langoy, kain. Ikaw ba naman magsolo! Hehe! Nabanggit ko yun sa facebook ko na gusto ko magswimming na madaming nakapansin at gusting sumama. Sorry mas gusto ko magsolo! hehe
Dahil nung 29 ay nasimulan ko ng magbasa ulit ng book 7 ng harry potter for the 5th time. (oo na ang Nerd ko!) At tinatapos ko pa sya hanngang ngayon. Hehehe. Unlike nung unang basa ko na natapos ko siya for almost 2 days dahil sa ayaw kong maunahan ng iba. Tinapos ko sya ng 2 days pagkakuha sa reservation neto nuon. Hehe. Dahil nga sa hindi ko pa napapanuod ang twighlight, (at sa ayaw ko na ring panuorin) pinagana ko naman muna ang imagination ko sa pagbabasa ng harry potter. Mas oks ata ung mag imagine kesa sa sa mapanuod mo ang isang pelikula na hango sa isang libro lalo na kung series ito. Bakit ayaw ko manuod? Una, nakuwentuhan na ko pati book kinuwento nya na! hehehe (peace madam! Alam ko nagababsa ka na ng blog ko!) pangalawa, ung mga kasama ko dapat! Nako! Nagyaya, hindi natuloy! Haha at Huli sa mga pangit na reviews neto. Ewan ko ba at bakit ako kumagat sa reviews.
Nung December 2 naman ay bday ni utol. Isa na rin sa rason kung bakit di muna ko pumasok kasi nagiintay ako ng libre. Hehehe. Dahil wala sila kuya at asawa at hindi makakuwi, nagpadeliver naman sila ng Mcdo sa bahay. Yahoo! Hehehe. Pero malapit lang mcdo sa amin ha, baka isipin nyo na galing Manila pa ang Mcdo. Walking distance din lang sya kapag galing sa bahay namin. Pinipilit ko pa rin matapos ang book 7 hanggang sa di ko na matapos at pumipikit na ko at tumigil ako sa chapter 22 na kung san hinango ang title ng book na deathly hallows.
Worth naman ang bakasyon. Pinupunan ko lang yung mga bagay na namimiss ko, lalo na ngayong mageexam. Toxic na naman!
Nga pala, nung bata ako, ayaw kong may kaagawa ako sa eksena kapag malapit na ang bday ko. Hahaha. Pero mukhang hindi lang ako ang maghahari sa trono sa darating na Marso…
Magiging Uncle na ko!
Yahoooo! Hehehe. Ang sarap ng feeling na tatawagin na kong uncle pogi o kaya tito cute! hehehe
19 comments:
Kaya pala ginaganahan kang mag-review, at magbasa ng Harry Potter 7 for the 5th time dahil magiging uncle ka na!
Good luck sa exams! (,"o
-----------------
Dito na ko magko-comment para sa post mong The Things That I Will Do. Medyo mahirap talaga magligpit kapag magpa-party sa Philippines. Dito sa bansang kinaroroonan ko, after ng kainan (kapag nasa bahay ang party), tumutulong ang mga guests sa paghuhugas ng mga plato! Sila rin ang magda-dry (punas) nito. Siguro sa ibang bansa ganu'n din.
ako di ako nagpapatawag ng tito sa mga pamangkin ko... kuya lang.. feeling ko lalo ako tumatanda pag tinatawag akong tito or uncle.
bakit kaya andaming may bday ng dec. 2? hmmmm
Uncle ka na rin?
Tumatanda ka na... sigh... lol
anyway, busy lahat ng tao pag christmas... stop na lang kaya natin ang christmas para di na masyadong busy ang buhay ng mga tao? sigh....
wehehe..december swim.dba malamig yun?? wow tito ka na.congrats. masgusto ko tita.. at un tlaga ang requirement ko sa mga pamangkin ko.wehehe..
at nag swimming mag-isa?
lakas ng trip ah..
March ka din pala,hehe! try mo kaya tito yummy? nyek..prang di mgndang pakinggan,haha!
tito rin tawag ng mga pamangkin ko saken. kaya lahat ng mga kalaro nila, tito na rin ako kung tawagin. malapit na ang beerday?!?
@kuya RJ - salamat po! hehehe
@gillboard - bakit naman? ang cool kaya! hehehe excited na kO! hehe
@kuya kris - yup! malapit na. and kaya ngaung lang kasi i guess it's safe to say na magiging tito na kO! hehehe
oks lang tumatanda... basta cute pa rin! heheh
@lunes - weird nga mainit sa amin nun e! hehehe pero maulan pla dito sa manila
@tere - mahilig tlaga kong mangtrip! wahehehe
tito yummy? pwede! haha
@ely - aba, di ka lang pala chick magnet! hahahah. malayo layo pa. pero may gip ka ba para sa akin? wow thanks! hehehe
huwaw at march ka din pala uncle pogi??...ehem...FYI, doki, march din ang cute commentator na ito..hehe
gudluck sa exam=}
nakow. di ako inaad sa fb.
exam week na. ambilis ng panahon.kaso ung ginagwang arcade 2 sa skul di pa rin tapos. boo. di ko na un maabutan.hahaha
uncle pogi pala ah. hahaha cge na nga pagbigyan. hintayin natin lumaki ung soon to be pamangkin mo at marealize nia na nagkakamali siya at inuuto mo lang siya.hahahaha peace kuya!:P
wow. a doctor to be. i remember my dear brother. he's a doctor by now sana. but it's ok, maybe Papa Jesus wants a doctor in heaven. :)
if you are a nerd by reading book 7 of HP for the 5th time, what will you call me? for reading HP books.. never mind. lolx.
ate vanni says a big Hi. ;)
sarap din talagang mawala ng bigla eh. gawain ko din yan kasi noon. sabagay hanggang ngayon din naman.
uy congrats sa pagiging uncle.
hahahaha. i like it: uncle pogi! :) congrats, bro!
May I invite you to please join Filipinos Unite!!!. You may do so by commenting on my blog or by sending an email at melalarilla@gmail.com stating your name, address, name of blog and its url. Thanks and God bless.
@doc rio - ahehe. march ka din? ang dami na nating march! kaaliw! gip ko doc ah! heheh
@yeye - exam week na! huhuhu
@shobe - awww. salamat sa pagdaan. paki-hi na rin kay vanny=]
@kuya lawstude - ahehee. thanks kuya=]! parang nanalo ko ng award ah! hehehe
@acey - hahaha.i have an uncle na ganun tawag kaya un lang wish ko sa pasko! heheheh
@sir mel - check ko po
kaps ng muks mo doc lols.
panis na ang chocolate ewan ko sayo!
at oo ndi ka nerd, geek ka lols. ano bang meron sa harry potter at adik na adik kayo dyan?
nagbabasa ako ng twilight.lols
hapi bday at gudlak sa pagbubuntis ng asawa ng kuya mo :)
Popoys
Post a Comment