Hay! Tapos na ang midterms. Tulad ng dati, nasa huli ang pagsisi. Hehehe
dahil sa naging sobrang busy ako sa exam (at buti na lang busy) lumampas ang Feb 14 na parang wala lang. hehe (ang bitter o!) pero oks lang naman yon. Alam ko na may darating naman dyan at next year at ako naman ang magpapayanig. Hehehe.
Pero di ko mapigilan maasar nung nalaman ko habang exam week. Nakakahiya man aminin, pero madami akong kabatch na parang wala sa post grad course. Nagmemed pa naman pero nagchicheat. May cheating arrangement pang nalalaman. Ganun ba sila kadesperado? Bat hindi nila matanggap na kung babagsak sila dahil hindi sila nagaaral ay babagsak talaga sila. Masama lang dun e yung isa kong kaibigan ay kasali dun. Para sa akin, malaki na sya at alam kong alam nya na kung ano ang tama at mali. Siguro naman nakikita nya kaming iba nyang kaibigan na tinitingnan namin sya. Konsensya nya na yun!
Anu pa ba…
Ayun nagpacheck up ako last Thursday. Sumakit kasi ang aking left chest. Bigla na lang sya sumakit. Eto kasi ang mahirap kapag may idea ka sa mga sakit.
1. Iisipin mo na wala lang yang nararamdaman.
2. Magdidifferential diagnosis ka. Nagtatry ng ibat ibang maneuver sa sarili.
3. Iisipin mo na kaya mong pagalingin sarili mo.
4. Magpapatingin na kapag hindi nawawala yung nararamdaman
5. Hindi mo alam kung totoo ba yang nararamdaman mo o sa sobrang kakaisip mo e feeling mo lahat na sumasakit
6. Sasabihin mo ba sa doctor na magchecheck-up sayo na med student ka.
Wala naman nakita ang Cardiologist sa akin. Naisip ko tuloy na baka Anxiety o Psychogenic lang nararamdaman ko. (salamat nga pla kay Doc Mnel sa aking 2nd opinion) Hehe. Papampam lang pala tong nararamdaman ko. Dahil nadaan sa pagpapacute ay nadiscountan ni doc ang aking consultation. Hehe
Pahabol sa Valentines, natawa ko sa Tatay ko ng biniro nya ang Nanay ko ng “Happy Valentines!” sabay abot ng fake na roses galling sa isang vase sa bahay. Hehehe. Alam ko na kung kanino ko nagmana. Hahaha. Pero bumawi naman si Tatay at bumili ng isang dosenang roses nung sabado. Hindi na fake un. Heheh.
O panu bawi ako next week! Ingats at salamat sa mga dumaan at nagGoodluck! = p isang mamasa-masang Mwah! Heheheh. Uy! Nagustuhan nya yun!
24 comments:
Baka hindi anatomical o physiological ang problema ng left chest mo Doc. Tulad ng palaging itinatanong sa 'yo ng mga kamag-anak mo... Hindi kaya 'yon? Kasi lumamapas ang February 14 sa 'yo na parang wala lang.
Welcome back. Pasado lahat ang exams sigurado, tutok ka talaga sa review, wh, at nakapagbakasyon pa weeks before ang exam.
kuya RJ - salamat po. oo nga no? lietral na heart ache? hahaha
kaw kuya musta Vday?
akala ko ba hanggang 13 lang ang february? haha!
MI yan. mi. joke.
eh ako nga dati..nakaramdam ng chest pain..nagradiate sa arms ko...sabi ko: "MI ba ito?"..anak ng tinapa, naalala ko, nurse pala ako at hindi doctor. dx ko dapat: acute pain.
sorry pala kanina kung natarayan kita. epal ka kasi eh. ayaw sagutin ung tanong ko. ewan. di benta sa akin ang mamasa-masang mwah mo. maraming mikrobyo yan. my moisture eh. hahaha
pangongopya? oh galit ka na. yaan mo sila, pag nasanay sila ng ganyan, di sila mkakapasa sa board exam. tandaan mo yan. may sumpa na sila. haha
vday..vday...nagincrease ang icp ko at tumulo lang naman csf ko via nasal cavity. lol. just an ordinary day..hhahaha
kisspirin lang sagot sa hartache mo kuya. kiss urself. mamasa-masa.
onga, nagpaparamdam na katawan mo... kelangan mo na daw magka lovelife!!!
@allen - ahahah. di pa tapos! hahaha
@yeye - =p
@GB - ahahahah. ganun ba yun.
siguro nga! hehe
Ang kulit ng tatay mo, no doubt, anak ka nga nun! Hahahahaha.
dokie....belated happy valentines..sana tinext mo ako ng maaga para nagkaroon ka ng ka date...sus ka...lols
ang sweet ng tatay mo ha..ilab the story..hehe
magpahinga ka kasi dokie puro ka kasi aral kaya kung ano ano ang nararamdaman mo e..ingat parati at pagaling ka=D
nagkasakit ka nga ba? pagaling ka ng lubusan...
happy hearts day, belated nga lang... hehe
kaya hindi mo masisisi kung bakit takot ang iba magpadoctor at kung tumataas ang medical malpractice dito sa bansa.
umayos nga yang mga cheaters na yan!
belated happy valentines! sa akin nga din eh, parang dumaan lang ang valentines! ^^ *shrug!
happy valentines day mk! kami ni doc torres nasa alumni. haha. patawa.! dami ko nakita na kabatch. hehe.
basta pag may nararamdaman ka. punta ka sa gt. nandun ako. hehehe.
gudluck sa exams@!
baka may mitral valve prolapse ka bro? wag naman sana... :(
@meryl - ahahaha. mana ba? basta wag lang kamukha! hahaha
@doc rio - aheheh. di ka naman nagsabi. hehehe
naenjoy ko naman ang bahay doc. nakapagpahinga ko nung weekend! hiihi
@yhen - psychological lang! hahaha. may tama na ata kasi ako! hihi
@popoy - tama ka. yaan mo may Karma naman na tinatawag. hehe
@cyndi - pareho tayo. parang wala lang talaga! hahahah
@MK - dapat niyaya mo ko nung 14 e! hahaha
@acey - wag naman po sana. hehe. pero i use my own stet para pakinggan ang aking dib dib. heheh.
TOINK @ DOC!
Baka may nangkulam sa yo doc kaya sumakit bigla yung chest mo? baka mga EX(es) mo?
o sya ingatan ang sarili.
"Pahabol sa Valentines, natawa ko sa Tatay ko ng biniro nya ang Nanay ko ng “Happy Valentines!” sabay abot ng fake na roses galling sa isang vase sa bahay. Hehehe. Alam ko na kung kanino ko nagmana. Hahaha. Pero bumawi naman si Tatay at bumili ng isang dosenang roses nung sabado. Hindi na fake un. Heheh."
WAAAAAAAAAAH. Ang sweeeeet! haha. astig naman ang parents mo.
wag nga sana. i hope you're ok, ced. like really ok. :) take care bro!
@kuya KJ - bat naman nila gagawin un? ahuhuhu!
@abou - opo kuya! hehhee
@yoshke - hahha. mana ko kay dad! wahehehe
@acey - salamat sis! hehe
Post a Comment