Thursday, February 19, 2009

Para kay Tere

So eto na ang sagot ko sa tag ni tere.

At eto ang mga rules.

1. Mag post ng 10 things about yourself
2. pero dapat 9 lang dun ang facts at isa ay kwentong barbero lang.
3. ang reaquest ni tere, dapat i-post ito in tagalog (lol!)

O game?

Vamos!

1. 4 kaming magkakapatid. 3 kaming lalake at 1 babae. 8, 6 at 5 years ang respective age na agwat nila sa akin. Tama kayo ng iniisip dahil ako ang bunso. Pero hindi totoong may tae sa nguso ang mga bunso. In fact cute kami. O walang aangal! Hahaha

2. Sa public school kami nagelementary magkakapatid at lahat kami ay nagvaledictorian dun. Nakakasama lang ng loob na isipan ka na dahil titser dun ang nanay mo kaya ka nagvaledictorian. Pinatunayan naman namin yun dahil naghakot kami ng medals sa mga quiz bee na nasalihan naming magkakapatid pati na rin nung graduation. Nung bata ko, aminado kong matalino ako dahil masipag naman talaga ko magaral, paguwi agad ng bahay e magbabasa na ko at gagawa ng homework. Pagdating ng high school sa private school, nagkandaleche leche na ko! Hanggang ngayon! Hahaha.

3. Ang first crush ko nun ay ang kaklase ko ng nursery. 5 years old ako nun. Nagandahan ako sa kanya. Sobra! Makinis at maputi may Bilugang mata, mahahabang pilikmata tska mabait at matalino pa. Top 6 ako nun at top 7 naman sya sa klase. Hehehe. Kaya paging Ms.Nuñez! single ako! Hahaha

4. Tumutulong ako sa aming sakahan nung bata pa ko. Nagpapainom ng baka. Nagdaala ng pagkain kapag may patanim at paani ng palay. One time inutusan ako ng nanay ko na sunduin ang aking tatay sa tubigan dahil may bulutong ang aking kapatid. Maulan din nuon. Di kalayuan sa kubo namin ng bigla akong madulas at mahulog sa pilapil. Hanggang bewang ko ang putik sa taniman. 2 trabahador pa ng tatay ko ang humila sa akin. Hehe

5. 3 lang ang uniporme ko nung high school. Kaya paguwi ko ng martes ng hapon ay nilalabhan ko na agad ang uniporme ko. Gipit kami nuon dahil halos magkakasunod kami nagaaral ng mga kapatid ko. Nasa kolehiyo pa yung 2. Ako naman nasa high school. Kahit nung nakatapos na mga kapatid ko, 3 pa din ang uniporme. Sa totoo, lumaki ako ng pinaglumaan ng mga utol at pinsan ko ang aking uniporme at mga panlakad.

6. 15 ako nakatikim ng student’s license. Dahil adik na adik magdrive ay tinakas ko ang aming owner type jeepney at naglibot sa baranggay ng aking lola. Wala pang masyadong dumadaan na sasakyan nuon dun. Dahil sa sobrang kayabanagan nakarma ko ng masagasa ko ang gate ng kapitbahay nila lola. Kesa magalala sa akin, mas nagalala si lola sa gate ng kapitbahay nila. Hehehe

7. Marunong akong magluto. Ako rin ang naglalaba at namamalantsa ng aking uniporme. Sinanay kami sa batang edad sa gawaing bahay. Kahit paulit ulit ko na tong sinasabi sa blog ko! Hehe

8. Meron akong feeling na inferiority sa ibang tao. Ewan ko ba kung kalian to nadevelop at bakit. Pero isa ito sa dahilan kaya ayoko maglalabas ng bahay.

9. Ako ay isang Registered Medical Technologist. Med tech ang kumukuha at nagtetest ng dugo nyo, nagtetest ng dumi, wiwi, pupu at kung anu anu pa. Member din ako ng PAMET. Yung sa commercial ng Safeguard? Ayun proud to say take one ako nuon sa boards. At pasalamat na rin sa mga kaibigan ko na kasama at kasabay ko magtake nuon. Hehe. Bago ako magbday this year ay kailangan ko na magrenew sa PRC. Ibig sabihn ganun na ko katagal RMT. Hehe
10. Crush ko sya... Click me! hihihi
o ayan ha, hulaan nyo yung hindi totoo! hehe

O sya! Ayus ba? Nawa&rs

13 comments:

RJ said...

Ang hirap namang hulaan kung nasaan du'n ang kwentong barbero, Doc Ced. Huhmn... Siguro 'yong may crush ka noong 5 years old ka pa lang. o",)

Allen Yuarata said...

pareho tayo bunso. haha.
at mahirap din kami dati. palagay ko, ang kwentong barbero dito ay....

number 4!

gillboard said...

7. pwede ka na mag-asawa... hehehe...

maghanap ka na kasi ng gelpren!!!

KRIS JASPER said...

responsible ka talaga Doc JC!

mabait kang anak, apo at mabuti ka ring kapitbahay...

paki remind lang next tym kung magdadrive ka ulit ha. Para ma broadcast ko at mabigyan gabay ang mga nasa daan.

Anonymous said...

confused ako sa number 4 at number 10,haha!

may sakahan pala kayo?hmmn..
at crush mo rin pala si Doc Mnel? ang alam ko ang crush mong blogger eh si Rachel Alejandro..

feeling ko yung number 4 ang kwentong barbero..

p.s- napansin ko lng pati si Kris Jasper nagtagalog,eh inglesero din yan,hehe!

nways..tnx sa pagsagot ng tag.
miss ko na ikaw kulitin sa YM. :(


-tere

N said...

meron bang hindi totoo sa mga nakalista?!

-pa-cute lang- hehe

Anonymous said...

hehehe...

nasan na yung pics nyo sa camsur doc CED?!

hmmm... ayoko hulaan kung ano ang di totoo dito! hehehe

Anonymous said...

mahirap hulaan kung ano ang hindi totoo^^

basta ang alam ko totoo ang no.1
kasi bunso din ako..ahahah

totoong cute tayo..naks

Meryl Ann Dulce said...

TOTOO 'YUNG NUMBER 10! Hahaha.

Anonymous said...

hmmm parang wala sa itsura mo na nagsasaka ka... hehehe!

Saminella said...

ipagluto mo naman ako doc.

























ola!

Anonymous said...

parang ayaw ko maniwala na marunong ka magluto. kasi nagpapadeliver ka pa ng fud sa mcdo eh. ay..di nga pala pede magluto sa dorm noh? haha

leche na ba buhay sa bahay ni nicanor? hahahaha. buti na lang ako, malapit na lumayas. wahahaha. babay doc. :P

kung ako din lola mo, mas magaalala ako sa gate ng kapitbahay

Anonymous said...

ang yaman nyo doc ced, talagang may farm at mga baka...tsktsk..malaki ang pera sa ganun..hmmm.kras mo parin pala si doc..wehehe..yihee..