Sabi sa class ko sa Pedia, sa stage ng Early Adolescence (10-14 y/o) nagsimula tayo maging involve sa mga kaibigan natin, sumasama sa mga click natin, karaniwan ay sa kadahilanan na merong commonalities o mga kinahihiligan at maging kinaayawan. Minsan sa paguugali nagkakapareho at minsan sa porma nagkakaayunan. Meron din naming sumasama sa mga click nya dahil sa sense of belongingness. Normal naman yun sa edad na ganun. Pero habang tumatagal at tumatanda ka nagreregress din ang mga click mo. Sa kadahilanan naman na nagiging iba iba ang despusisyon nyo sa buhay, nagiging involve ka naman sa mas intimate na relasyon, at ang sense of belongingness ay napapalitan ng independence.
Naalala mo pa ba yung mga panahon nung high school na sinusulatan ka ng mga kaibigan mo na “hope we’ll be friends forever” o kaya e “hope you’ll stay the same”. (cheesy diba? Pero lahat naman ata tayo, nasulatan niyan lalo na ng mga kaibigan nating babae) Lalo na kung tulad ng school ko nung High School, coed din ang group of friends ko nuon. Pero nasan na nga ba silang sumulat sa’yo ng ganun? Yung iba nandiyan pa din, paminsan-minsan nagkakamustahan. Minsan kasama mo gumala, minsan kaYM mo. Minsan ka IM mo sa facebook at nangangamusta, yung iba babati lang sayo kapag may okasyon, yung iba naman sa ibang lugar na nanirahan pero alam ko nandyan lang yun, nagbabasa ng post na to.
Aaminin ko hindi ako palakaibigan, pero hindi naman ibig sabihin nun ay nuknukan ako ng suplado. Siguro silang mga meron ako ngayon ay sila yung matuturing kong pangpermanente. Sila yung nakakakilala sa akin simula ulo hanggang paa. Alam ang mga sikreto ko, alam kung san ako gumala, alam kung anu anu ang mga ginawa. Sila yung inaaupdate-an ko ng buhay ko. (na alam kong wala naman ako dahil school-dorm-bahay na klaseng tao ako) Yung iba sa kanila halos kalahating taon na ng edad ko kakilala, yung iba naman e last year lang. Hindi rin ako namimilit ng mga tao na hilingin ang tiwala nila. Kung ayaw nila, nirerespeto ko yun. Choice nila yun e. kung may isheshare ka naman, go lang, makikinig lang ako.
Paminsan nararamdaman nyo din ba na parang nagdidrift away sila? O kung minsan naiisip nyo na anu kaya ang sasabihin nila kung may nangyari sayo na nakakatawa? Na malungkot? At the same time, napapaisip ka din kung kamusta na kaya sila? Kung may mga masasaya at malulungkot din ba na ngyayari sa kanila.
Minsan naisip ko na ayoko namang magparamdam dahil sa baka isipin na kaya lang ako nangamusta ay may problema ako, ayoko din naming maabala sila. Kaya kadalasan kuntento na ko na magkimkim na lang ng iniisip. O kaya, isulat na lang sa blog.
x's - salamat nga pala kay kuya mak at ely. nainspire ako gumawa ng post