Thursday, January 20, 2011

Case 13: Mr. Palengke

Hindi ito tungkol kay Mar Roxas. Unahan ko na kayo.


Dahil may 2 days off ako (diba nago-off kahit hindi nagtatrabaho) e nautusana ako ng nanay na samahan siya sa palengke. Naalala ko lang nung bata pa ako, na bago kami magpunta sa palengke e sinasabihan na kami ni nanay na “WAG KA MAGTUTURO, IIWAN KITA DUN” sabay dilat ng mata. Hahaha Syempre ako naman e takot na takot, kaya bawal magturo. May time na nagturo ata ako at sang katutak na palo nakuha ko sa nanay ko nuon. Hehe


So, ayun kanina e sinamahan ko siya ulit sa palengke. Nakakatuwa lang. nandun pa rin yung mga dating tindahan. Meron dung tindahan ng pabango. Nakaaircon pa sila at may binibentang mga lotion, pabango at anik-anik. Nandun pa irn yung nagbebenta ngmga school supplies, sa sobrang laki ng kinikita niya ata e dati isang maliit na stall lang siya ngayon 3 na ata sakop nya pati yung tapat na stall nakuha na rin.


Tinanong ako ni nanay kung ano gusto kong tanghalian. Sinabi ko lang basta gulay masaya na ako. Nagtuturo siya kung gusto ko ng alimasag o sugpo. (todo deny naman ako na ayaw ko e, gustong gusto ko naman. Baka mapalo ako pag nagturo e, haha). Nagturo sya ng isda, bisugo, tilapia, bangus, pesa, tinanggihan ko dahil hindi naman ako mahilig kumain ng isda lalo na yung matinik. Hindi sa ayaw ko sa isda, tamad lang ako magkurot. Haha kaya Albacora lang kinakain ko. (albacore name nya or Longfin tuna) sarap n sarap ako dyan, sinigang o prito solve na ko. Hehe


Di nawawala yung makasalubong ng nanay ang mga amiga o ex-coteachers o co-retired teachers nya. todo benta ang nanay sa pagbalandra ng kanyang anak. haha. Para akong baboy lang na binebenta na P160/kilo. (sabagay mukha naman akong baboy)


Ayun lang naman, nakauwi kami ng walang nabiling gulay, saya lang diba? :)

43 comments:

Anonymous said...

lahat ng binanggit mo na isda, miss namiss ko na!

mahal kasi isda dito. mas mahal pa sa hipon. :)

NAGUTOM tuloy ako doc! :)

Axl Powerhouse Network said...

wahha ang kulit doc.. oo ako din. kaya takot din ako magturo hehe...
pambihira... walang gulay... pero masarap naman yung isda na yun lalo na yung may sabaw... yummy... nagutom tuloy ako!!

EngrMoks said...

sakto tanghalian, sinigang na baboy ang gusto kong kainin...hahahah

c - e - i - b - o - h said...

aww.. bonding with nanay.. ang saya naman.. at natawa ako dun sa iiwan ka ng nanay mu pagnagturo ka ng kung anu-ano.. ahaha.. iniimagine kita na dumidilat ang mata.. ahahaha

buendiaboy said...

pabili nga po

ayoko ng taba ha

lol

Anonymous said...

hahaha... kung kelan naman tayo tumanda sila pa ang naggaguide sa ating magturo.. ahahaa...

dario the jagged little egg said...

Hi Doc Papi! Okay lang mag-karne paminsan minsan, kailangan ng protein ng katawan hehe : )

Godbless : )

Carlo said...

doc, vegetarian?

Anonymous said...

kakamiss ang kabukiran! nakakrelate si cinderella dyan! hi doc!

http://akosicinderella.wordpress.com

jc said...

dapat paguwi nyo pinalo mo si nanay kasi nagtututuro sya. haha!

Sean said...

naku sarap pa naman ng sabaw pag malamig.

kalansaycollector said...

fun! fun! noong bata ako ako tagapamalengke... ayan naging dalaga tuloy ako.chos.

haha pero may rule din nun na bawal magturo. lalo na sa mall kaya madalas hindi ako sinasama ni mama. haha

Ms. Chuniverse said...

I love palengkes.

Mapa-wet and dry.

Mahilig kasi ako magluto.

At ganyan din ang nanay ko - bawal magturo.

Kaya naman ako, selyado ang lips pag isinama sa palengke.

my-so-called-Quest said...

@mrchan - sarap ba ng isda? dali ipapalengke kita, same price lang ang bayad mo dyan sa kin. hehe/


@axl - masarap nga gulay. hehe


@moks - pahingi naman! hehe


@ceiboh - yup bonding with inay muna. hahaha. bat naman nakadilat? lol


@beundia - haha. taba? lol


@kiko - oo nga e. hahaha

my-so-called-Quest said...

@daniel - haha. kelangan ng gulay! heheh


@carlo - hindi naman. mas oks lang na may gulay palagi. magaan sa tiyan e. hehe


@cindi - galing ka ba sa kabukiran? heheh


@jc- hahaha.oo nga no. yaan mo next time na magturo sya papalala ko ung turo nya dati. lol


@sean - tama!


@kalansay - hehehe. dahil may basket ka na bitbit? hehehe

my-so-called-Quest said...

@mschuni - haha. mapawet o dry talaga. anu ano ba ang gusto mo lutuin? sample naman dyan!

Anonymous said...

Iyan bang palengke ang dahilan kung bakit... kung bakit.... ah basta. hahaha

gillboard said...

syempre proud nanay mo... may doktor siyang anak... ako tinatago pag may bisita... hehehe

Desperate Houseboy said...

doc, ginutom mo ko, pwede ba kita kainin? este pwede mo ba ko ipagluto. mwah

Raft3r said...

hehe
sarap paminsan mag-munimuni (lalo na sa palengke)
hehe
noong bata ako, lolo ko madalas magdala sakin sa talipapa
tapos pag-uwi naman may dala na akong puzzle na bili nya sakin
waah
kasalanan mo ito
naalala ko tuloy
hehe

nyabach0i said...

shet gusto ko pumunta sa dampa! nagugutom tuloy ako.

The Princess Boy said...

Hello! Hehehe.. maraming salamat po sa pagbati saken nung birthday ko! Sobrang naaappreciate ko po kahit simpleng "Happy birthday" message lang, lalo na yung may mga extra message pa. Maraming salamat po ulit! Sana next birthday ko anjan ka pa rin to greet me. :D

At tutal naman, nandito na lang rin ako, plug ko na rin ang blog ko. Sa February, (love month) I'll be publishing all my love posts, at letters na sinulat ko. :)

Thanks ulit! lol. Di po ako makapag blog masyado, it's been a busy week, January is a busy month for me. God bless and world peace! ΓΌ

http://twitter.com/nielz01
yahoo messenger: nielz01
http://nielz01.blogspot.com

Shenanigans said...

nakakatuwa yung pagkukwento mo bout sa pagtuturo...

napanuod mo ba yung dalaw?

pwedeng gawing parody!

haha!

magtuturo ka sa palengke tas may nakakatakot na musical scoring then may whisper

"dalaw"

tapos biglang may...



papalo sa kamay mo!

haha!

wala lang!

chorla!

my-so-called-Quest said...

@will - adik! hahaha

@GB - bat naman itatago? ikaw tlaga!

@DH - aba. diba dapat ikaw nagluluto? hehe


@raft3r - hahaha. spoiled! hi kay lolo!


@nyabchoi - bihis na dali!


@nielz - hbd ulit!

@shenanigans - ang lakas ng imagination mo talaga. hehe

Abou said...

di ko alam ang pangalan ng mga isda kapag nama lengke ako. pero kilala ko mga mukha nila at lasa hehe

:-)

-ssf- said...

sosyal!!! yun lang ang kinakain na isda hehe

Anonymous said...

lahat yata ng nanay eh yan ang linya pag dating sa palengke, haha!

Xprosaic said...

Sorry naman bobo ako sa mga isda... hehehehe... pero gaya ni pareng moks... sinigang na baboy rin ako! hehehehhehe...

Anonymous said...

yon!

haha, sayang walang gulay.....
tissss s arap pa naman na may accompaniment na ensalada kapag may fish na ulam, kahit ba pinirito toh or not.... woooohhh gugutimin kita sa next food blog ko, wahahaha

sugar said...

ayaw mo isda..pero like mo alimasag, eh mas mahirap kaya himayin un, hehehe!

namiss ko palengke days namin ng nanay ko...bwal magturo,hahaha!

160?? alam ko 170 na, lugi ka dun. :))

Hoobert the Awesome said...

Hahaha. Nung bata din ako, mahilig akong magturo ng kung anu-ano. Kapag 'di ako binilhan nakasimangot na ako nyan hanggang pag-uwi. Ayun, lagi akong napapagalitan. XD

I don't eat gulay that much.

ced said...

@abou - naks! ikaw na ang fish whisperer. hehe


@ssf - haha. kumakain naman ako pag sinisipag kumurot. hehe


@prinsesa. haha. oo nga!


@TR - ang diet! hehe


@sugar - ayan ayan! ang blood glucose mo!


@poot - masarap ang gulay! dali! hehe

Yj said...

kuya sa wakaaaaas nakabalik ako dito...

bakit ang lola ko lagi sinasabi sakin nun pag namamalengke kami...

HUWAG KANG MAGTUTURO KUNG AYAW MONG MANUNO!!!

nyahahahahaha eh panay turo ko ng mga dildo... kaya siguro ako naging diwata.... yaiy

stevevhan said...

hm,naalala ko lang yung kwento ng mama ko sa plangke experience namin before. Sinaman niya ako sa palengke at may pinuntahan siyang tindahan ng mga abubot.

*Bago ko ipagpatuloy sana wag niyo na itong ipagkalat!, haha*

Puwi na kami,na ang katuladkong bata lamang na may muwang na sa mga bagay bagama't bata pa at hindi pa nag-aaral ay biglang may nilabas na laruan mula sa loob ng aking damit. Sabay sabing:

"Mama, taaaaaaaaaadaaaa, may laruan na 'ko!!!"
Mama: "lintik kang bata ka!, san mu nakuha yan?" Sabay balik sa tindahan.
Mama: "itong anak ko kinuha yung laruanniyo. Pasensya na. Haha"

Bata pa lang may sakit na!, ahaha.Buti hindi natuloy at nakasanayan pagtanda!.ahaha

Unknown said...

di bale bida ka nman e hehe!

citybuoy said...

In fairness, si mama na nagtuturo ngayon. lol Dapat pinalo mo din.

KRIS JASPER said...

a very random post... parang Batibot lang na kinukwento ni kuya Bodjie... lol

glentot said...

albacora pala ang tawag dun...

ako noon pinandidilatan rin ako ng mata kapag nagtuturo. Pero may nadiscover akogn strategy: cold treatment. Hindi ako magsasalita hanggat hindi ko nakuha... ayun it works! ahahaha...

ITSYABOYKORKI said...

bawal ang pork !"]

casado said...

aba ambait na bata, sumama sa palengke ahhaa...pareho tayo di ko masyadong bet (lol) ang fish eehehe :P

oi ano, asan na ang address mo?

James - M.I. said...

I miss you Doc. Sensya na ngayon lang ulit nakabisita. :)

my-so-called-Quest said...

@YJ - hahah. sa palengke ka ba talga pinagbawalan? haha.


@steve - hala. haha. okay lang un at bata ka pa naman nun. hehe

@keaton - ahaha. jollibee lang?

@citybuoy - haha. oo nga no! lol

@glentot - ahaha. yup albacora. paborito ko yan. ikaw na ang kumucold treatment. buti pa sa nanay mo effective. haha

@korki - haha. bawal nga!

@soltero - hehe. nagpapakabait lang. bakit ayaw mo sa fish ha? email kita kuya S.

Raft3r said...

hi din daw sabi ni lolo (from the grave)
=P