hindi sa naiiyak ako dahil 3am na ako naglunch at nagdinner, tapos kinabukasan di pa nagbreakfast at lunch
hindi sa naiiyak ako dahil umabsent yung iba kong cointern at iniwan na magextend sa ER,
hindi rin dahil sa madaming utos ng mga residents na halos di mo alam kung sino uunahin,
hindi rin sa dahil sa drama ng mga nagpapamedico legal, nasampal ng kalive-in, nasipa ng kapitbahay, natusok ng barbeque stick sa tiyan ng kalaro. nabaril sa tuhod, nabalian ng buto, nasaksak sa likod, nabugbog ng mga tao dahil magnanakaw.
kung hindi sa isang lolo na nagpapahid ng luha habang nirerevive ko ang asawa nya. isang lolo na nagpupunas ng luha sa mata nya, naawa ako, hanggang ngayon kapag naiisip ko yun. naiiyak pa rin ngayon sa totoo lang. nakita ko kasi na mahal na mahal nya yung asawa nya, na hanggang sa huli nandun sya sa tabi. habang nagcCPR ako, tumulo talaga yung luha sa mata ko. ginawa naman namin lahat pero huli na rin nung dinala yung lola dun.
huli na...
naalala ko yung video na to mula sa isang paboritong pelikula ng Pixar na UP
13 comments:
aw. :'(
sad nga.
mahirap talaga.....,
:(
Pinaiyak mo na naman ako sa eksenang yun ng Pixar movie.
Mukhang sa isang government hospital ka yata napa-sabak. Kundi PGH ay OsMa. Hehehe...
Okay ganyang exposure. Kasi sabi ng partner ko, dyan mahahasa ang clinical eye mo. Di gaya sa US, puro sila tests, tests at more tests muna, kaya patay na ang pasyente bago pa man mabigyan ng diagnosis.
haaaaay. parang ung napanood ko lang sa tv weeks ago, ung lola na hinanap ung asawa nya. kakaiyak.
sad. :(
There are things that just go straight to the heart. Keep being strong Doc.
I miss my lolo & lola sa province. This blog entry reminded me of them.
Nalungkot naman ako. :(
awwwww. must be difficult for someone close to his gramps and nana
gayahin mo si macallister, medyo bihasa na sya sa mga ganitong eksena. nababagot pag walang action.
Ang sakit naman nito, doc. :( I can only imagine what it must be like for him...
kalungkot naman... to lose your life partner, i think un ang pinakamahirap... =(
na-imagine ko sya nakakasad nga
Seeing someone die before your eyes is tough. But you are doing an important job, so you just have to carry on. Doctors can't save the world, we just do our best and God determines everything else. :-)
ay ang hirap naman nung pagkakataong ganun... =(
palagi bang malungkot dito sa blog mo? hehe
Post a Comment