Showing posts with label new template. Show all posts
Showing posts with label new template. Show all posts

Wednesday, January 23, 2008

New Found Home

First of all, Welcome to my new home... astig diba? Salamat ng maraming marami sa aking utol na si ferbert sa paggawa ng aking template. Alam nyo naman na favorite ko ang scenario na sunset sa beach... di ko rin alam kung bakit pero parang kalmado ako kapag yun ang aking nakikita. Dapat nung 3rd monthsary ako nagpalit pero kulang ako sa oras.

Pangalawa, kung mapapansin nyo, wala ung links ko sa blogs nyo... pag pasensyahan nyo na at kasalukuyang inaayos ko pa iyon. syempre, gusto ko special ang paglalagayan ng mga pangalan ninyo. Naks!

Pangatlo, mapapansin nyo ang mga link sa baba ng header.

Youtube - opo, youtube addict ako, kasi jan ko lng napapanuod ang live performance ng incubus at U2. Samahan mo na ng mga lumang episodes ng mga palabas na dati nating inaabangan. Lalo na masarap magbasa ng mga nakakatawang comments sa bawat video.

Au Soleil - sya ang kaibigan ko na tinutukoy sa "thank you" page element sa right side.

Becki Newton - yep, aminado ko na nanunuod ako ng Ugly Betty gawa nya... Kras na Kras ko yan kasi sexy na, magaling pa magpatawa. hehe. Last episode na ata ng ugly betty gawa ng strike! makapag strike kaya para matigil ang strike!? hmmmm....

Muli, salamat ng marami sa pagbisita nyo sa aking mumunting blog. Malapit na kasi ulit magexams kaya karir mode na naman ako dun. For now, enjoy muna ko with your company=]