Hindi ko kayo kino-confuse. Importate na kasi sa akin ang araw na ito. Kung birthday mo o birthday ng kakilala mo ang araw na iyan, belated happy bday! Tagal ko n rin walang post. Nagrerequest n nga si utol ferberto ng bago. Madami kasing nangyari at masyado akong naging busy. Sana makabawi tong post ko sa mga pagkukulang ko (naks, drama king tlaga!)
Una sa lahat, kahapon (20th) ay 3rd monthsary ng blog ko! Yipeee! 3 months na kami. Kinakabahan ako kasi sabi nila kapag 3rd month medyo rocky ang relationship, pero alam ko magiging strong kami=) salamat sa mga kaibigan ko sa blogging world sa patuloy na pagdamay sa aking quest. Salamat sa mga payo at inspirasyon. Salamat salamat!=]
Noong sabado ay kasal ng aking nakakatandang utol. Naalala nyo ba ang post kong to? Sa wakas at natuloy rin ang pagiisang dibdib nila. Sa totoo lang natutuwa ako sa utol kong iyon. Natutuwa rin ako sa aking bagong ate (ate Maui). Medyo nasapawan ko ng lng ung partner ko, nagmukha tuloy syang background ko. Hehe. Joke lng po (behave cedeux, behave!!!) Maganda ung ceremony, solemn at mararamdaman mo sa ere ang LOVE! Naks. Ehehe. Natouch ako nung sabi ng pari na “kiss the bride” kasi umiyak si ate maui at hinug nya kuya ko. Hehehe. (Syet ang mushy ko!)
Dalawa ung reception isa sa kampo ni ate Maui sa Bulacan at isa sa Cavite. Dami food at tao. Di ko na nga kilala yung ibang pumunta. Dun sa Barasoain ginanap ang kasal at ung unang reception ay sa otel malapit dun. Nakakpagod din ung ipakilala ka sa lahat ng kamaganak mo. Hirap pala maging celebrity, daig mo pa kinasal. Hehehe! Sa reception, pinatayo ung lahat ng lalake na 20-39 y/o, pinagawa ng malaking circle at sa saliw ng isang awit, umikot ang garter na inalis ni kuya kay ate maui. Malas ng lolo nyo, sakin tumapat pagkatigil ng kanta. Pero di pla ibig sabihin ako magsusuot nun sa makakaabot ng bouquet. Na-out ako sa game, nalaman ng host na utol ako ng kinasal at nagbiro ako na 15 pa lng ako. Naniwala ata. lol. Ninong nila ung uncle ni ate maui, eto sya o… paunawa kung kakilala nyo sya or kamaganak sya, peace tau. Nagpapic nga ko kasama sya. Hehe. Idol ko yan e=]
Pagkagaling sa Bulacan, dinaanan ko ang aking mga kaibigan sa Trinoma para makasabay sila papunta sa Cavite. Badtrip, natrapik kami sa coastal road kaya ung dapat na 5pm sa cavite naging 7pm na. Mga 1am na natapos ang reception. Kaya antok na antok na ko, di na ko nakapagreview para sa exam tom. Pero oks lng un. Nagenjoy ako ng sobra. Saying lang wala si ate ko at kelangan nya magwork sa NY. Sana next time makauwi sya.
Sa utol ko, congrats at salamat sa lahat lahat. Kay ate maui, pagpasensyahan mo na malakas humilik si kuya. Ehheh. Pero seryoso, nagpapasalamat ako sa Diyos na nakumpleto at nahanap nyo ang isa’t isa. Sana magkapamangkin na ko ung madami ha. Batik type ko. Hehehhe. have a safe trip kuya and ate!
13 comments:
weeee! congrats sa kanila... =)
di ka pumasok! Juan Tamad jr.! hahaha
sana magtagal pa kayo
ng blog mo
happymonthsary
hahaha
Best wishes!
Feeeling close. =)
Congrats sa 3 months
congrats sa kasal
Congrats sa lahat!
congrats! sa kuya mo saka sa blog mo! saka sa'yo na rin ^^<
kelan ka naman ikakasal? hehe!
@ferbert - hinahanap ka dun nung
sat, bat wala ka? hehe
mana lang ako sau. ako kasi si juan T*mod. hehe
@xienah - mukang di ako iiwan
neto... going strong kasi kami!=]
kulang nga lang ng pysical contact!
argghh!
@ kuya coldman - invited k nga e
di ka pumunta! tsk tsk tsk! pag
turn ko na dapat present ka!
@kuya kris - ikaw din, wala ka
dun! hmmmp!
thanks thanks po sa pagbati ninyong 2ng kuya ko dito sa blog=]
@icka - salamat sa pagbati=]
@dean - malapit na, wag ka magalala
engrande un lampas 8 baboy ang katay! hehe
ako man eh namiss ko posts mo. hehe. tagal na pahinga ito, tampo na blog mo sau. ^_^
nasabi na nila lahat kaya congrats na lang sa utol mo. haha. i'm back.
@carl - salamat ulit sa pagbisita.
hehe uu nga e, mejo tampo sya pero
oks na kami=]
@arjay - welcome back! san k b
kasi galing?? tagal din nawala ah!
pasalubong ko?
Sori, tagal ko na di naka visit d2. aba at natuloy na pala paglagay sa tahimik ni utol! so kamusta ang kapatid an nung una ay nagdalawang isip pa kung mag abay o hindi (ngehehehehe)..
Cguro makaka attend din ng wedding yung ate mo sa NY, pag wedding mo na, hahaha... :)
congrats to ur 3 months in blogging! ganun din ba kayo ng gf mo, 3 mos na rin?????
Post a Comment