Tuesday, November 25, 2008

61

Isang taon na rin ang nakaraan, kaya ok slang ba irepsot ko to? Ahehe.

hindi ako maekspresyon na tao sa totoong buhay lalo na sa loob ng bahay. Madalas wala akong kibo kaya, sa paraan na lamang to napapakita ko kung gaano kalaki ang respeto ko sa magulang ko. Ulit, Nay Happy 61st birthday po!
..................................................................................................

Anim na dekada...
Nilathala nuong Sabado, Nobyembre 24, 2007 ni Doc Ced.

Anim na dekada na ang nakalilipas, iniimahen ng aking isipan kung gaano kasaya ang iyong ama nung araw na iyon, ganoon din ang hirap at tuwa ng nanay mo noon. Malamang tulad ngayon, medyo may kalamigan na ang panahon at isang buwan na lamang at magpapasko na. Lima kayong magkakapatid at Panagtlo ka sa inyo. Pangalawa sa babae. Malamang ang araw na iyon, tulad ngayon, ay pinakamasaya para sa pamilya mo.

Madalas nakukwento mo sa'min noong bata ka pa, ang mga hirap na dinanas nyo. Madalas kailangan tumulong kapag nagsasaka at nagaani ng mga tinanim. Namumulot ng mga prutas sa bakuran. Paggisisng pa lang sa umaga ay kailangan nawalisan mo na ang bakuran nyo, at sa nakikita ko ngayon ay di mo to matatapos kaagad dahil sa laki. Naalala ko rin na nakuwento mo na minsan ang 3 pirasong galunggong ay pinagkakasya nyo pa sa 7 sikmura. Naalala ko rin na kapag nagaaral ka ay pinapaypayan ka ng iyong ama at ayaw ka kasi nyang malamukan.

Nagaral ka ng kolehiyo sa Maynila. ang 5 sentimong baon ay iyong tinitipid, pambili ng aklat mo at uniporme. Hindi mo nga gusto yong kurso mo. Nabanggit mo sa'min na nais mo dating maging Nars at makapagtrabaho sa ibang bansa. Pinapili ka ng iyong ama, at dahil sa kahirapan, Napilitan kang maging titser. Sa sobrang pagtitipid, nasagasaan ka pa nga noon sa may Kalaw habang patawid, natumba ka pala, nadiagnose ng ulcer. na hanngang ngayon ay sumusumpong pa rin. natapos mo ang iyong kurso. 39 na taon ka rin sa propesyon mo.

Nakapagpalaki ka ng 4 na anak. mga anak na masasabi ko ay nadisiplina mong maigi. Walang huwisyo at di napariwara. Naalala ko pa 4 o 5taon pa lang ako ay tinuturuan mo na akong magsulat sa maliit na blackboard. Dumating din ang panahon na bago mo ko turuan ng assignment ay dapat gawin ko muna iyon ng sa akin. ilang quizbee na ba kita nakasama at napanalunan natin? sa apat na anak mo, ilang beses ka na nga ba tumuntong ng entablado para sabitan sila ng medalya? ilang graduation speech na ba ang naalay nila sa iyo?

Noong nasa Ikalawang antas, nawala ako sa huwisyo. Nagloko ako. Napaiyak kita sa harap ng ibang tao. Hindi ko makakalimutan yon. Nakagawa ako ng bagay na hanggang ngayon e bumabalot sa alaala ko. Nagawa ko iyon dahil ayoko kang madissapoint sa kin. Nagsisi ako hanggang ngayon kung bakit kita napaluha noon. Noong panahon din yon ay nakaranas tayo ng paghihirap. Nagkasabay sabay ang mga nakatatanda mong anak sa kolehiyo. Pinanguutang mo pa ang pangtuition nila, makapasok lang sa paaralng prestisyoso. di k naman nila binigo, Matatalino kasi talaga sila inalay nila yon para sayo.

Ang esposo mo na kahit makulit ay alam ko na wagas kayong nagmamahalan. Ang panganay mo ng anak ay ikakasal na sa Enero, alam ko na ipinagmamalaki mo sya dahil malayo na rin ang kanyang narating. Yong dalaga mo, nasa Amerika na, madami rin kayong pinagdaanan pero madalas kayong magusap sa telepono at kumukuha sa isa't isa ng lakas. Iyong isa mo pang anak na lalaki, alam ko na lagi mo syang pinagdadasal at sya ang pinakamatipid sa mga anak mo at masaya ka sa kanyang nararating. Ako eto nagmemedesina, para sayo ay di pa tapos ang laban at alam ko hindi ka pa rin sumusuko. Tulad ng dati, lahat ng laban ko ay inaalay ko para sa iyo. Lahat ng natatamasa ko ngayon ay para sa iyo. At kapag napanghihinaan ako ng loob, iniisip kita at alam kong sasabihin mo na wag akong susuko.

Dahil guro ka sa Home Economics, Pinalaki mo kami ng hindi umaasa sa katulong, sinanay mo kaming magluto, maglaba at alagaan ang sarili namin. na sa ngayon ay labis kong nagagamit para mairaos ang isang araw. Tinuruan mo kami na huwag maging magastos lalo na na hindi lahat ng gusto mo ay para sa iyo. Tinuruan mo rin kaming maging matatag lalo na sa mga pagsubok. Guro ka rin sa mathematics, ilang timpalak na ba napanalunan mo hanggang ngayon?

Sa 39 na taon kang nagtuturo, natutuwa ako dahil lahat ng estudyante mo ay tinuturing ka nilang ina. Natutuwa ko dahil lagi ka nilang naalala. Iyong mga may natatamasa at nasa abroad na dati mong estudyante ay nagpapadala ng kung ano ano. Maging ang simpleng buhay na estudyante mo ay naalala ka. Natutuwa ako kapag may home-made card sila na gawa para sayo.
Salamat sa mga bagay na itinuro at naibahagi mo sa akin. patawad sa mga bagay na nakapagpasakit sayo na nagwa ko...

Inay, Maligayang kaarawan po.
November 25, 1947
..............................................................................................

Mukhang matutuloy ang bagong oven na regalo! Yey! Makakapagbake na ko ng cookies! Aheheh
Advance happy birthday sa panganay na utol ko! Double celebration sa 30th sa bahay. Tara, punta kayo=p

15 comments:

Anonymous said...

napadaan at nakibasa. happy bday to your mom :)

gillboard said...

taga saan ba kayo? pupunta ako... joke...

Happy birthday sa mga may birthday sa inyo...

RJ said...

Tulad ng Nanay ko, after the 'war' pala ipinanganak ang Nanay mo.

Parang tutulo ang luha ko Doc Ced, ah! Masaya naman sana ang topic kasi mga achievements halos. Tama nga si Kosa, kapag usapang pamilya nakakaluha talaga.

Happy Birthday - para sa Nanay mo!


[Teacher din ang Nanay ko. Hanggang ngayon nagtuturo pa rin sya.]

N said...

happy birthday to your mom doc ced :)

Rio said...

naku naman dok, naluluha ako dito sa post mo e..nakaka touch ha..
ang swerte ng nanay mo at nagkaroon sya ng anak na gaya mo..masipag,matalino at cute..hehe

kakabilib ang nanay mo.walang duda kung bakit kang lumaking bibong bata.hehe

happy birthday kay nanay mo, dok ced...magpakain ka naman...daan ako maya dyan sa ospital na pinapasukan mo ha..hehe

KRIS JASPER said...

HELLOOOOOOOOOOOO doc JC!

pwedeng maki gate crash?

Happy Bday sa nanay at utol mo.

Anonymous said...

happy birthday kay mama mo at sa utol mo..namiss ko naman bigla nanay ko d2, bday nya bukas eh. :-(

p.s-sana nilagay mo na rin ung address nio,para naman mapuntahan ka namin sa 30.

magbe-bake ka cookies? huwaw! penge? lols.

Anonymous said...

@joshmarie - salamat at salamat sa pagdaan!=]

@gb - ahehe, pwede naman basta may dala! ahaha

Anonymous said...

@rj - wag ng iyak. ahehhe. salamat sa palaging pagdaan doc RJ. ingats palagi jan=]



@kuya white - salamat po=]

Anonymous said...

@doc rio - isa ka pa. wag na iyak. ahehe, teka pupunasan ko. hehehe


si doc rio, naku, the best tlaga to. lagi akong napapangiti sa comment nyan . hehhe


@ kuya kris - imbitado ka tlaga! hahah. basta may gift ka. hahah.

ingats palagi kuya!

Anonymous said...

@tere - ung address, nako, kelangan mo hanapin! ahehehe

happy bday kay nanay mo=]

Anonymous said...

hapi bday sa mama mo ced! you really should be proud of her. saka she's done a wonderful kasi napalaki ka nya ng maayos(talaga?). hehe. more bdays to come sa mama mo!

Meryl Ann Dulce said...

Pupunta nga dapat ako eh! Sabi mo naman walang free food, eh di wag na lang! Hmpft.

Anonymous said...

happy birthday sa iyong mommy. nakakaluha itong repost mong ito, ha?

penge cookies =)

Anonymous said...

happy birthday to your mom, bro!!! :) i know you feel blessed to have her but she must feel twice as blessed to have a sweet son like you.