Tuesday, February 24, 2009

I Lied About It…

Nakakalungkot at walang nakahula! Ibig sabihin daw ay magaling magsinungaling. Hehehe

At sayang yung premyo! Hehe

Para sa number 1... Yup, totoo yun na 4 kaming magkakapatid, yun ang age gap namin at cute ang mga bunso. Hehe. Sa number 2, yup totoo din yun na sa public school kami nagaral at may mga tao nga na ganun ang inisip nung grumaduate kami dun. Totoo rin ang number 3. Hehe, crush na crush ko nga sya nun, nalungkot ako ng hindi sya ang makapartner ko sa isang sayaw sa program sa school.

Totoo din ang number 4. Lahat kaming magkakapatid na lalake ay dumaan sa pagtulong sa taniman. Yung kuyang panganay ko naranasan pa nyang pagbilarin sya ng palay. Hehe. Buti nga tagadala lang ng pagkain at tagapainom ng baka. Kahit ngayon at paminsan-minsan dumadalaw kami sa farm e ginagawa ko pa din yung magpainom. Hehe totoo ding nahulog ako nun sa pilapil. May kasama pa ako nuon na kaklase ko sa elementary at tawa sya ng tawa!

Totoo din ang number 5, madrama pero totoo. Hehe! At yung number 7, paulit ulit ko na yang nabanggit dito sa blog. Pag Tuesdays (tulad ngayon) at ThursdayS ng umaga ako naglalaba at pagkakain ng lunch naman ako namamalantsa. Hehe

Totoo ang number 8. Nakakapagtaka walang nagsabing kasinungalingan to. Hahaha. Pero totoo yan.

Totoo din ang number 9. March 2006 ako nagtake ng boards. Sabi ko pa nun. Pag pumasa ako, magmemed talaga ako. Ayun nagkatotoo naman. Hehe. Sa number 10, wala naman sigurong masama, crush naman. Hehehe. Peace doc! Hehe

Ang number 6 ang hindi totoo. Dahil una, wala pa rin akong student’s license. Nakakahiya diba? Dahil hindi ako pinayagang kumuha nuon. Pangalawa, Nagpapractice ako magdrive nuong 15 ako dun sa baranggay nila lola at gate mismo nila lola ang nasagasaan ko. Sabi ng lola ko “wag na wag kang hahawak ng manibela, aalisin kita sa mana!!!” hehehehe! Hanggang nagyon ay di pa ko ulit sumusubok magdrive. Ayun, Panu nga naman kung pumasa na ko ng boards at lisensyadong doctor na at on call? Hahaha. Oks lang yun. Malamang malakas pa si Kuya Goying… yung driver namin. Heeheheh.

18 comments:

MakMak said...

Sosyal at may driver. Ako naghahanap pa lang, gusto ko Nato ang pangalan. :)

my-so-called-Quest said...

@ kuya mak - ahahaha! ayaw mo ng goying? lol! bat kaya nato? hehehe

David Edward said...

uu nga bakit naman Nato? whats with the name?

Anonymous said...

uuhhh.. pede ba ko apply para maging driver nyo?? heheheh

gillboard said...

it's either magaling ka magsinungaling...

or la kwenta yung statement, na it doesn't matter kung totoo o hindi... JOKE!!!

anyway, sundin mo si lola kundi la ka mana... la ka ipapatikim saming mga blogger friends mo!!! hehehe

Meryl Ann Dulce said...

Oh tuturuan kita magdrive pero ang tanong: magpapaturo ka ba sakin? Hahahaha. Echusero ka!

RJ said...

Doc, pumunta kayo ni Kuya Goying sa farm, at doon mag-practice para walang gate na masagasaan. U

Anonymous said...

eh minsan naman palyado drayber nyo eh. kaya diba minsan nauwi ka sa pag-mrt. kawawa. bleh =P


kasi naman. sabi ko taxi na lang. pero ayaw mo. gusto mo padin sa drayber. bahala ka ahahaha. pero sana malakas pa si manong dyraber mo after 10 years. hahaha exagge!!! joke lang kuya :P

KRIS JASPER said...

okey naman yung goying... pero mas ok yata ang *GURING"

my-so-called-Quest said...

@david - kasi mukahng mababait ang mga nato. hehehe


@stormy - pwedeng pwede. minimum pay lang ha! hahaha

my-so-called-Quest said...

@GB - mukhang wala nga paki. wala din akong paki! hahaha


@meryl - cge cge. libre lang ha. at wag ka mabibingi kung madalas ako magmura. hahaha

my-so-called-Quest said...

@kuya RJ - on call din un. malala pa sa akin. hahaha


@yeye - choice ko po kasing magbyahe. dahil una sayang sa gas. mas nakakatipid ako. at ayokong magbuhay senyorito. mahalay!

my-so-called-Quest said...

@ kuya Kris _ parang gurang naman un! hahahaa

MakMak said...

@david edward: Hmmm. Alam ko na totoo mong pangalan. :)

my-so-called-Quest said...

@kuya mak - anu anu anu???

Allen Yuarata said...

haha! takot ka pala mawalan ng mana e!

Anonymous said...

magaling magaling magaling.. hahaha

Anonymous said...

i enjoyed reading the previous post, too. :) i honestly don't know saan ang indi totoo. haha.