Ang weird pala ano? Dati, naiisip ko na pano kung dumating ang araw na kaming magkakapatid e magkaron ng sari-sariling pamilya. Na darating ang isang araw isa isa na kaming umalis ng bahay. May isa ngang commercial sa TV nuon na sa isang hapag kainan ng isang pamilya, habang tumatanda sila, umuunti ang nandun hanggang sa yung magulang na lang ang nasa sinaryo.
Nung isang linggo, dahil nga naman sa hirap kumita dito sa bansa natin at sa kagustuhang makaipon ng kapatid ko ay nagpaalam sya sa magulang ko na kung maari syang umalis at magtrabaho sa ibang bansa. Sa katunayan, tanggap na sya sa trabaho at iniintay na lang ang papeles nya. Nagpaalam din sa akin ang kapatid ko, at ang sabi ko nasa kanya yun, basta alagaan nya lang sarili nya. Tinanung ko sya kung anung sabi ng magulang namin. Naikwento nya na sabi ng nanay ko:
“hindi naman namin hawak ang buhay nyo, kung san kayo masaya. Parang katulad lang naman to ng dati, nung nagsisimula kami ng tatay nyo, kaming 2 lang naman nun. Sa huli kaming 2 rin ang magkasama.”
Aaminin ko nalungkot ako nung nabasa ko yun. Natahimik at napaisip ako ng sandali. San nga ba napunta yung mga panahon na magkakasama kami sa bahay, salo-salo kumakain ng agahan, tanghalian at hapunan. Na kahit kapatak lang ang nakahain, ok lang. Mga panahon na kung may family events sa bahay e kumpleto kami. Na kahit nagaaway kaming magkakaptid sa simpleng bagay, hindi nag-uusap pero sandali lang e magksaundo ulit kami.
Mas lalo kong naisip ngayon na kung san nararamdaman ko na magisa lang ako dito, at pamilya ko lang ang alam ko na masasandalan ko. Na alam ko kahit anung kagaguhan na gagawin ko e matatanggap nila ko. Na kahit may mga nagawa akong mali nuon e nagawa nila kong patawarin. Lalo ko rin naisip na, marami akong pagkukulang sa kanila. At ayokong dumating ang araw ay meron akong pagsisihan.
Sa totoo, every week, nilu-look forward ko ang paguwi sa bahay, hindi lang sa dahilan na gusto ko magpahinga, kungdi makita ko yung pamilya ko, at nagkakasabay sabay pa din kami kahit papano. Nawawala yung stress ko kapag nakikita ko sila at naririnig ang boses nila.
Alam kong alam nyo na, hindi ako maexpress na tao at yun ang isa sa gustuhin kong baguhin.
Kakaiba talaga ang nagagawa ng tag-ulan sa isang tao no? hehe
Sa mga dumadaan, salamat ulit ng madami! Babawi ako sa inyo!
15 comments:
welcome back!!! ganyan talaga pag tag-ulan senti moments... musta studies doc?
yeye likes this (thumbs up)
akalain mo. may post na ulit! :D
kaya naman sa tuwing mababasa ko ang twitter update mo, masaya ako por yu.
"can't wait for this coming weekend. weeee"
o kaya
"can't wait for tomorrow"
hahaha. alam ko kasi uwi ka ng cavits hehe
drama mo! hahaha
ay mess you kuya doc. di ka na nagyym :)
sana nga makabawi ka.
Nakaka-relate ako. Actually, nu'ng nagsimula akong magtrabaho sa Luzon noong 2001 ganyan talaga ang naiisip ko. Nalungkot ako, sobra!
[Nilisan ng aking ama ang mundong ito. Nag-asawa ang kapatid kong babae; ikakasal ngayong August ang kapatid kong lalake. Mag-isa nalang ang nanay, buti nalang doon nakatira ang pamangkin kong 4-yr old ngayon... at malapit lang naman ang bahay ng mga kapatid ng nanay ko sa amin.]
Pero habang tumatagal (tulad namin) makaka-adjust na rin kayo niyan, Doc Ced. May mga mobile phones naman, instant messaging at webcam chatting naman.
*touched*
ganyan din sinabe ng tatay ko. (kung saan ako masaya at wag ko sila intindihin dahil sa huli silang 2 nalang ni mama ko)
ako nalang kasi naiwan sa bahay at di pa nag-aasawa, dati 7 kame sa bahay.
pero inferness, sa sobrang kasweetan nilang 2, palagay ko mas masaya sila pag sila nalang 2 magksama sa bahay. ;D
all the best sa family mo. kailangan lang talaga constant communication so kahit malayo ay parang malapit din. ingat lagi doc.
mainam nman pala yung nangyari dati. mas mabuting umuwi ka sa inyo dyan sa cavite. goodluck sa kapatid mong magiibang bansa. darating din naman yung araw na magkakaroon ulit ng pagkakataong sama sama ulit ang pamilya, at madadagdagan pa :)
Popoy
i remember na post mo na ito dati.. or something with this topic.. :p
enjoy!
naalala ko tuloy ang utol ko. nasa saudi na cya ngaun. di na kami kumpleto sa mga pampamilyang okasyon.
ganun talaga ang buhay. ang mahalaga kahit mapalayo tau sa ating pamilya ay binibigkis pa rin tau ng pagmamahal.
isa pa, masyadong techie ngaun, chat lang ang katapat ng pangungulila!
Hello Drama King!
Musta naman, tag-ulan pa rin ba jan?
aww.. nakakarelate ako.. sobrang close kasi kami magkakapatid, pero sa ngay0n wala pang lumalayo samin at naisip ko yung mga sinabi m0.. pan0 nga kung dumating na yung time isa isa na kaming aalis.. haist! Kahit mahirap kelangan tanggapin..
naiyak ako sa entry natoh.
certified drama queen ako..
nkarelate ako sa pagalis..minsan tlgang klangan maghiwalay ng pamilya,kaibigan,at mga mahal sa buhay.naks=)
pero with that move..a brighter future awaits us..that will always be an assurance.
cno nga ba ang aalis? c kuya jojo ba? mamimiss ko xa kamo.hehehe=)
kakaiyak naman tong post mo doc! nakakarelate kasi ako e..
hay!! sana dumating ang panahon na hindi na kailangang mangibang bansa para lamang kumita ng pera..=c
musta na doc?
Well, I hope all the best for your family. ^^, God bless doc!
ganun talaga ang buhay hindi tayo matututo kung hindi tayo mag iisa i remember sabi nung reviewer namin hayaan daw ang bata na maglaro at masaktan para malaman niya na yung mga bagay na hinahawakan niya at sinubo ay hindi dapat sinusubo.. ang gulo ko ba? walang koneksyon noh? haha
Post a Comment