Naalala ko nung bata pa ako at pag sinansabi nilang magkamukha tayo lagi akong nagsasabi ng “HINDI” o kaya ay “SI NANAY KAMUKHA KO”. Pangiti-ngiti ka lang kahit alam mo na hindi ko gusto pag binibiro ako ng ganun.
Naalala ko nung lagi tayong nagtatalo, sa pananamit ko, sa gupit ng buhok ko. Naiirita ako dahil tinatrato mo akong sundalo. Dahil sa sundalo ka, na dapat ganito, dapat ganiyan. Nakakainit ng ulo pag nagtatalo tayo. Tatahimik ka o lalayo. Yan ang gawain mo.
Naalala ko na nagkakasundo tayo sa usapang politics. Nagkakasundo ang opinion natin. Nagkakasundo tayo pag iyan ang pinaguusapan natin. Tuwing Lingo, pagkasimba nyo. Sabay tayong kumakain ng palabok, nagkakape at pandesal.
Naalala ko nung nagkasakit ang nanay, bigla syang nawalan ng malay na tayo lang dalawa ang kasama nya. Ayokong magpanic ka, kaya ginawa ko lahat, naging kalmado ako.
Naalala ko na lagi rin tayong nagtatalo dahil makulit ka. Ayaw mong sumunod sa mga payo ko. Tumataas ang blood sugar mo pero parang wala kang pakialam sa dieta mo. Lagi mong dinadahilan “KAYA NGA AKO NAGGAGAMOT”
Naalala ko nung may sakit ang ama mo, nandun ka sa tabi nya, habang nakahiga sya sa
Nalulungkot ako minsan na wala tayong masyadong alaala na masasabi kong naging magkasundo tayo. Wala tayong quality time. Wala tayong masyadong pinagkakasunduang gawin. Madalang din kitang nakakasama at nakakausap. Pero, ngayon gumagawa ako ng paraan. Madalas kitang kinakamusta, ang farm, kung anong ginawa mo sa maghapon o sa buong lingo. Lagi kitang inaakbayan. Gusto kong bumawi sayo. Gusto kong humingi ng patawad sayo sa mga araw na pasaway ako.
50 comments:
aaawww. i can definitely relate. happy birthday sa tatay mo at happy holidays sa iyo!
Happy birthday sa daddy ni doc ced!!!
Happy birthday sa tatay mo! hehehehehe
bakit nga ba medyo hirap ang karamihan satin mag-connect sa tatay?
makikibati sa kaarawan ni juan!
Nice post about your dad. I hope he can read this.
hay naku doc, forte mo ata talaga magpaiyak. tagos sa puso na naman to. happy birthday sa dad mo!
awww, so sweet.....
tama yan, love your parents the way you loved yourself,
:)
oo nga. bakit nga ba mahirap makipag-connect sa mga tatay :(
happy birthday sa dad mu XD
HAHAHA! Ang susyal!
"Daddy kumusta ka na? Kumusta ang hacienda? Kumusta ang farm? Kumusta ang villa?" lol.
Kami ni tatay lagi din nag-aaway. Pero, lagi sya nag gi-give way. Pag nag-aaway kami sya pa yung nagso sorry. hehehe.. wala rin kaming quality time, at lagi akong naiinis sa kanya. Some are hugging dads, some are scolding dads, but it's love just the same. :D
Juan din pla ang name ng dad mo?
I don't know kung typo error lng yung nag/ging kalmado ka or joke mo lng talaga yun? Natawa ako dun eh hehehe...
Happy Natal day to ur dad! Naiimagine ko andaming KAINAN jan sa inyo...ooops! hehehe...
Happy birthday dadeeeehh!! :D
naiyak ako Doc. enjoy every chance you get with him. i lost my dad this year and I am glad that I was able to let him feel that I loved him.
happy birtday to your dad!
Happy Birthday to your dad!
Happy BDay sa tatay mo Doc!
Happy new Year na din!
putukan na!
weee
awww. happy birthday to your dad. :)
naks naman ang bait na anak ni doc. tunay ba yan?wahahah joke lang. happee bday sa tatay mow...
nakikibati kay tatay.
@orally : oo nga marami sa atin may daddy issues no?
happy birthday sa tatay ng prince :)
Happy Birthday Dad. wink :)
happy birthday ke erpats!
A Blessed Birthday to your dad. God Bless you and your whole family.
oh, i can really relate to this,
tuloy mo lang ginagawa mong pag bawi : )
maligayang kaarawan sa iyong ama.
sige ikaw na ang sweet ngayon.. happy Bday kay itay kahapon...
uy, Happy Birthday sa daddy mo na magiging daddy ko rin in the future bwahahahhaha ching!!
wv : sasmod (may pagka bastus din lol)
@wandering - salamat! happy holidays to you too. :D
@GB - salamat GB
@xprosaic - salamat salamat.
@orally - siguro like my tatay he used to work away from us kaya ayun mahirap magkaroon ng connection.
salamat.
@xall - salamat. pagiisipan ko pa. hehe
@leo - syempre gawain natin yan sa chicks e, hahaha. joke! salamat leo.
@TR - salamat! :D
@Nowitzki - ayun nga siguro sa work ng mga tatay natin or kung nung bata tayo e distant tayo sa kanila, :(
@NIelz - haha. hindi susyal un! taniman ng palay at ng kuna ano ano pa. aheheh. sabagay may tama ka. hehe
@jag - typo un. hahah. salamat! :D
@will - salamat! :D
@DSM - aw condolence sir. i will! salamat po.
@andy - salamat sir! :D
@sir mugen - salamat po!
@mr chan - happy new year too! salamat. :D
@jc - salamat salamat! :) ang weird, basat ask mo si baabaa mo. hehe
@kyle - totoo yan! haha. salamat! :D
@sean - salamat sir. :D
@sugar - salamat T! :D
@MI - haha. salamat! :D
@raft3r - salamat salamat! :D
@zeb - thanks! :D
@raft3r - salamat salamat! :D
@zeb - thanks! :D
@ahmer - tama, kailngan bumawi! haha. salamat!
@kiko - salamat salamat! mano po. hahaa
@soltero - ganun? hahaha.salamat Soltero.talagang pati captcha di ka tinitigilan. hahaha
aww so sweet na anak.. sobrang bait.... so touchy....
happie bday sa itay mo ha...
:D
happy birthday daddy..
can't relate.. hehe!
mapagmahal na anak.
hapi bday sa dad mo
xlink tayo kung ok lang tanx
Happy birthday sa tatay mo. =)
Lumalabas na sweetness mo sa kanya. =)
...hmmm....kahit ngayon ko lang nabasa, happy birthday na din sa papa mo....nakakarelate ako....hehehehe..kahit hindi ako lalaki...:))
advance happy new year sa'yo...
uy doc! sensya na late ang comment ko! happy birthday sa tatay mo... :D
@axl - thanks thanks! :D
@shena - aww :( salamat din. :)
@buendiaboy - salamat sa pagdaan. :D
@tsina - salamat din!
@poppe - salamat sa pagdaan! :D
@nimmy - hugs! hehehe. musta? oks lang daw kahit late. hehehe salamat
Ced,
I like how the entry written in a natural flow from the heart.
Cio
cio,
salamat. aral ng mabuti oi! :D
ced
Post a Comment