Thursday, December 2, 2010

Panganay

Kailan man, hindi ko mararanasan maging panganay. Simula’t sapul, bilang bunso hindi ko mararanasan ang pressure na inaasahan ng lahat kay kuya.

Inaasahang makapaghanap agad ng trabaho pagkatapos ng kolehiyo. Inaasahan na kahit papano makatulong sa bayarin sa bahay. Inaasahan na unang magaasawa. Inaasahan magkaroon ng anak bilang unang apo. Inaasahan na kung ano man nag mangyari, darating ang panahon sya ang tatayong tagadesisyon ng pamilya.

Hindi ko masyadong naranasan na pagbuhatan ng kamay ng magulang ko. Iniisip ko pa lang pano kaya si kuya? Kung simula pagkabata nya hanggang sa dumating ako e napapalo kami? Ilang palo na ng sinturon, walis tambo, at kung ano mang mahagilap ng mga magulang ko na pamalo ang nadaanan nya.

Naalala ko nuon, napagalitan kaming apat na magkakapatid, magkakatabi sa kama at si kuya ang nasa dulo at ako ang pinakamalapit kay tatay. Buckle ng belt ang tumatama sa kanya, samantalang sa akin, di masyadong umaabot ang bawat hagupit ni tatay.

Nuong medyo nakaluwag na ang pamilya, si kuya nagaabot abot yan ng pambaon ko sa school. Hindi alam nila nanay na nadadagdagan ako ng ninoy kada lingo. Hanggang ngayon rin naman e. hehe Minsan tumatawag yan kung ano problema ko. Dati kasi, may napost akong kaemohan na status sa facebook, tumawag yan agad at nagtatanong kung ano problema. Haha

Dude ang tawagan namin sa bahay, kaming 3 magkakapatid na barako. Nalaman niya dati kung bakit dude ang tawag ko sa kanya, Dude, short for Dudley, oo like Dudley Dursley, paborito sya ng nanay namin. Haha. Di na makakaila yun kahit ideny pa ni nanay. Lol dati kasi bigdeal sa akin yun na bakit lagi sya napapaburan, pero sa lahat ng sacrifices ni kuya unti-unti ko na rin naintindihan. So hindi na bigdeal kung sino paborito sa bahay.

Natutuwa ako pag nakikita ko sila naglalaro ni Maja (pamangkin/inaanak ko). Alam mo yung tipong proud ka sa kapatid mo sa achievements nya? Ganon. Masayang Masaya ako para sa kanya.

Sa totoo simpleng tao lang naman ang utol ko. Swerte sya sa maraming bagay. Swerte siya trabaho nya. Sa sister-in-law ko at syempre sa baby nila.


Ano pa ba ang mahihiling ko sa utol ko?

Isa pang pamangkin… lalake naman. Hehe

Magbawas sya ng timbang at ng blood glucose.

Kaya sa mga Panganay dyan. Eto ang akap ko! Saludo ako sa inyo. Hehe

At sa utol ko, Happy Happy Birthday! :D

44 comments:

gillboard said...

pang-ilang post na itong nabasa ko tungkol sa mga kapatid. as usual, nalungkot nanaman ako, kasi inggit ako't wala ako nun. :(

Happy Birthday sa Kuya mo. :D

Anonymous said...

happy birthday sa kuya mo.
alam ko ang pakiramdam. panganay din ako. pero pasaway ako e, chillax lang. hehe

Anonymous said...

panganay ako pero hindi ko alam ang ganyang pakiramdam.

ang saya-saya ng pagkakasulat mo. sana palaging ganyan na lang lahat ng tao. pero sa kabilang banda, may bahid din ng pangungulila at panghihinayang.

kayo ng mga dude mo ay isang buong pamilya. masuwerte ka.

maligayang bati sa iyong dude. iyakap mo na lang ako sa kanya kahit hindi ko siya kilala.

ang sarap sigurong mabasa ang ganitong klase ng blog entry para sa kapatid mo. kung ako lang ang kuya mo, talagang matutuwa ako.

ito pa lang, isang malaking regalo na.

POPOY said...

ang sweet naman Doc... happy birth day sa utol mo...

Panganay ako pero haven't done much sa utol ko pero tinatry ko naman kahit pano... matindi kaming magkaway nun.. sapakan sipaan hahaha... pero now sarap ng feeling na makakareceive ka ng txt na "kuya love you ng marami ingat ka :)"

cbryanmac said...

happy bday sa kuya mo!

ako ay panganay kaya nakaka-relate ako sa ganyan! :)

nice one :)

casado said...

potek ka, naluha ako dito sa entry mo, kainis....

happy bday sa kuya mo!

bien said...

Sweet.
Happy Birthday Kuya Dude!
*nakikoya*

Shenanigans said...

happy beerday kuya!

hoooong sweet mo naman

sana kapatid din kita.. hihi!

MkSurf8 said...

awwww happy birthday Kuya! ako naman di ko naranasan magkaroon ng kuya. kaya naghahanap ako ng koya sa labas. haha jowk!

Xprosaic said...

Wahahahahha same pala tayo bunso lol... pero sa pamalo ng belt yung buckle sa akin... hehehehehe... Anyway Happy Happy birthday sa kapatid mo! hehehehehehe

my-so-called-Quest said...

@GB - aw. gusto mo ng kuya? o nakababatang kapatid? kaya ng si syota mo dba? hehe


@will - awww. chillax lang! lol haha

my-so-called-Quest said...

@mentalclimax - awww. salamat! hindi ko ata to mapapabsa sa kanya. pagiisipan ko pa. hehe


@popoy - ahehe. salamat. ganyan din kami dati ng mga utol ko away lang ng away.hehehe at ang sweet naman ng utol mo. hehe

my-so-called-Quest said...

@cbryanmac - salamat! ahehehe


@soltero - single tear in ohne eye ba yan? haha. punasan mo ng undies ng pamangkin mo. hhehehe :P

my-so-called-Quest said...

@orally - salamat. hehhee:P

@shenanigans - ahehehe. ganun ata mga bunso. hehe.

my-so-called-Quest said...

@MKsurf8 - hahaha. ang lande lang. lol


@xprosaic - lol. kawawa ka naman. siguro ikaw ang pasaway kasi. hehehe

Luis said...

huwaww.. eto ang post na may puso.. tama ka.. ang hirap ng maraming responsibilidad sa pamilya.. at sana mabasa ng kuya mo to...

tama na ka-emohan.. punta na ko sa ka-elyahan.. bisitahin na si soltero.. :)

Anonymous said...

Happee Berday sa Kuya mo. Nice post although di ako panganay pero alam ko ang pressure na kapag panganay. 2 lang kasi kami at babae yung panganay samin e ako pa ang lalaki, so ako ang inaasahan. May pamilya na kasi ang kapatid ko. for sure makakataba ng puso yan sa kapatid mo... :)

Nimmy said...

gusto mo suntok pre?! wala lang. nasabi na kasi nila lahat eh. hahahaha

happy birthday sa kuya mo. hug mo na lang sya for me. char! :P

Désolé Boy said...

Happy Birthday to Dud!

Anonymous said...

ui, birthday din na kapatid ko ngayon.. hehehe..

happy birthday sa kuya mo. nice post! :)

casado said...

hoy, di ko pamngkin un! bwahhaha...pero pinunas ko na rin lols..

btw: akala ko pa nman sa title..aamin ka na may panganay kna hihi :P

& lols @ luis

ching!

Mugen said...

Haha! Parang hindi yata ako ganun ka-responsable na panganay ah...

Mugen said...

At maligayang kaarawan sa iyong kuya!

Axl Powerhouse Network said...

oohh ang swweet naman ni bunso hehehe...
namiss ko ung kuya dahil sa blog na to.. wag ganun hehee. anyway jappie bday sa kuya mo.. pakisabi na lang sa kanya.... more blessing to come yeabah!!!!

Nimmy said...

twice na ako umiyak this week. pangalawa tong blog entry mo doc. btw, panganay ako, kaya mejo naka-relate me, except dun sa pagkakaroon ng baby. haha.

thanks for sharing this. happy birthday to your kuya!

Nishi said...

panganay din ako! tsaka bunso.

my-so-called-Quest said...

@luis - hahaha. naalibadbaran ka ba nung dumaan dito? ahehehe. salamat sa pagdaan :D


@kyle - salamat! hehehe. pressured nga kung ikaw lang ang lalake sa pamilya. pero kaya mo yan. :D

my-so-called-Quest said...

@nimmy - nako kulang braso natin paghinug sya. hehehe


@DB - haha. dud nga! salamat

my-so-called-Quest said...

@supladongopisboy - HBD din sa utol mo!:D



@soltero - i knew it. hahaha pinampunas mo din.lol. madami akong panganay mahirap sabihin dito baka mahuli ako. ooooppsss. hahaha

my-so-called-Quest said...

@mugen - haha, akala mo lang hindi yan pero hindi ka siguro aware sa mga nagagawa mo. :D salamat!


@axl. awwww! hehehe. salamat!

my-so-called-Quest said...

@nimmy - awwwwww! wag na umiyak o!
malay mo, maraming ways para magkaroon ng baby nimmy :D



@jason - aba sakto. dahil dyan, manlilibre ka. hehehehe

Jag said...

Dude din ang tawagan namin ng bunso ko hehehe...tulad mo pinakamalapit ako sa panganay namin...happy bday sa utol mo *sniff sniff* namimiss ko na sila huhuhu...

Anonymous said...

weee.. happy bday kay utol... tulad ko na panganay din eh pressured nga.. pero weee ok lang yun basta natutulungan ko mga kapatid ko... na puros babae kaya naging strikto ako.. wahehehehe

Ms. Chuniverse said...

Nakaka-relate ako sa kapatid mo.

Kasi.. Panaganay ako.

Isa lang ang masasabi ko.

Mahirap maging ATE.

coldie said...

ako ang panganay, at kami usually ang mga paborito compared sa mga bunso.lol

Happy birthday kay dude!

ITSYABOYKORKI said...

happy bornday sa kuya mo :)

Anonymous said...

Salamat sa yakap, sir! Ang sarap! hehehe.. Panganay ako kaya ramdam ko ang bawat hataw ng sinturon ni Tatay.. hahaha. At syempre luv na luv ko rin ang mga kapatid ko gaya ng kuya mo. I always wish them all the best. Bilang kuya, ako ang unang inaasahan sa bahay at lahat yun kinakaya ko naman gampanan. Salamat sa post na ito. Na-tats ako! :]

my-so-called-Quest said...

@jag - awwwwwww miss ka na rin nila. aheheh. salamat! :D




@kiko - aba strct na kuya ka pala. haha. salamat! :D

my-so-called-Quest said...

@mschuni - hahahaha. adik ka talaga! salamat! :D


@kuyacoldman - oo na kayo na paborito! kayo na! kami naman ang mat tae sa nguso. lol

my-so-called-Quest said...

@korki - salamat! :D



@iprovoked - awwww! salamat din :)

-ssf- said...

happy birthday Kuya...

panganay rin ako, kaya nakarelate ako ng slight hihi

Leo said...

@ced -doc ung second comment ni nimmy, ako un. siya kasi naka-login sa laptop. hahahaha. bunso si nimmy, panganay ako. :)

Raft3r said...

Masarap nga sighting may kapatid.
Belated sa utol mo.

ikotoki said...

Sweet post. :D