Saturday, January 1, 2011

Case 11: Lola Ingay and Lola Ching

Spend the lunch today visiting my 2 lolas.

Natutuwa ako sa 2 lola kong to. Dahil kahit may katandaan na e malakas pa rin sila at makikita mo kapag holiday season na sobrang saya nila. Nakikita na kahit papano kumpleto ang pamilya.

Tradisyon na kasi namin na dumalaw sa kanilang dalawa sa unang araw ng taon. Una, si lola ingay, nanay ni tatay ko. Medyo may kahinaan na ang tenga pero mahilig syang magbiro. Mahilig din makipaglaro sa mga apo nya sa tuhod. Akalain mo dati rati kami ang inaalagaan nya pero ngayon yung mga anak na ng mga pinsan at kapatid ko ang nilalaro. natutuwa ako pag napagbabaliktad nya kami ng isa kong utol. nababaliktad nya ang pangalan namin. hehe

Pangalawa si Lola Ching, ang nanay ni nanay ko, dati nung bata pa ko medyo naiinis ako sa kanya kasi lagi nya kaming inuutusan. Taga hugas ng pinggan, taga luto, kung anu-ano pa. Lagi kaming nasa kusina (halata naman sa timbang namin) para magayos ngunit yung ibang pinsan ko e nasa harap ng tv, naglalaro ng kung anu-ano. Ngayon ko lang naisip ng tumanda na ko na malaki ang tiwala nya sa nanay ko at sa pamliya ko. Na kaya pala kami inuutusan nuon dahil alam nya na hindi sya mabibigo.


Si lola Ching, 93 years old.

Nagpapasalamat ako na binigyan pa sila ng isang taon pa at lagi kong hinihiling na sana maging maayos ang kalagayan nilang dalawa. Kahit na madalas ko silang biruin napamahal na ko sa dalawa kong lola. Malaki ang natulong nila para mapatapos kami sa pagaaral at hanggang ngayon e tumutulong pa rin sila. At humihingi ako ng marami pang taon para sa kanila. At sana Makita nila na nakatapos rin ako ng pagaaral.

Natuwa rin ako sa kanila dahil simple lang naman ang hiling nila. Yung makumpleto ang pamilya pag may simpleng pagtitipon.


42 comments:

Neneng Kilabot said...

happy new year ser!

kainggit kayo ser.. sana ako rin may mga lolang kinalakihan..

Xprosaic said...

Naks! Yun oh... rumereuinon... lol... happy new year! hehehehehe

Guyrony said...

The clan elders - the wisest of us all.

They may not tell nor say much but they impart to us something words could never express.

Happy New Year Magic Star Circle Quester!

O ha O ha!

Anonymous said...

Inggit ako kasi buhay pa yung mga lola mo at healthy pa sila.. yung saken wala na pareho pati mga lolo..

anyway, God bless you and your family Doc Ced. happy new year!

Anonymous said...

woo grabe ang tanda na nga nila nasa 90+ na pero sa tingin ko ang lalakas pa nga nila. umabot kaya ako sa eded na yun?LOL

Nimmy said...

awwwwwwwwwwwwww. this is so sweet friendship! more more tamis moments this year! :D

Sean said...

grabe, 90+ na sila pareho! good health to your 2 lolas. happy new year doc!

gillboard said...

mahalin mo sila. maswerte ka at meron ka pang dalawa. ako, isa na lang ang lola ko.nasa malayo pa.

iba kasi ang lambing ng mga lola.

hay

Carlo said...

nice that you can still be with them. ako i miss my lola.

Mugen said...

Galing naman! They're both in their 9th decade at malakas na malakas pa!

Raft3r said...

i love lolas
swerte mo pareho pa silang nandyan

happy 2011,doc!
(yes, nakiki-doc na!)
hehe

Anonymous said...

awww how sweet, :)

the oldest among my grandparents is my father's dad, he's 92, turning 93 (i think.....)

but, the only difference is, your grandmamas are strong enough, but my daddy george (thats what we call him, hehe) medyo mahina na,

share lang!

:)

Anonymous said...

Wow, mukha silang mga hip and cool pa.

Di sila mukhang in their 90's. Hahahaha.

nyabach0i said...

90+? nakakainggit ka. ako wala akong nameet na lola ko either side. tsssss. hehehe. keri lang yan, pautos ka lang ng pautos. makakalimutan din naman nila. hehe. joke lang. happy new year.

bien said...

sweeeeeet.
swerte tapos may apo pang doctor..

Anonymous said...

haha parang ako lang din kanina reunion din ng mga lola... every year yan...

mnel said...

ang tanda na nila! wow! pero mukhang malalakas pa. =) happy new year ced!

Luis said...

ang galing ng mga posts mo doc ced.. pang family values talaga.. ang swerte ng iyong prinsesa dahil cguradong maganda ang magiging paghubog sa iyong pamilya.. happy new year doc!

dario the jagged little egg said...

Girl power! God bless to your and to you sir!

James - M.I. said...

Ang galing naman ng mga lola mo sa pag-aalaga sa kanilang health. I hope aabot din tayo sa edad nila. :)

Noah G said...

ayus! 90+? huwaw naman. god bless sa dalwa mong lola :) na-miss ko tuloy yung mga lola ko... hehe...

Happy New Year uleh :)

kalansaycollector said...

happy new year!

wow another year for the lolas! :)

John Ahmer said...

happy 2011 ced!

god bless to u ur lolas & family : )

Anonymous said...

Ced,

Hindi ko nakasama ang lola ko last holidays pero tinawagan naman namin. Ang galing ha at nasa 90's na sila pareho at malalakas pa.

Cio

Unknown said...

i miss my lola, have a great and healthy new year to you and your lolas!

Marlo said...

nice! maswerte ka pa at buhay pa sila!

maswerte din sila at may apo silang kagaya mo doktor. :D

Happy new year na rin!

buendiaboy said...

cute cute

buti ka pa may lola pa

Axl Powerhouse Network said...

namisss ko bigla ang lola ko.. tagal ko na rin di nakakadalaw sa province eh :D

happie new year :D

Anonymous said...

Long live your Lolas :)

Happy New Year Doc!

my-so-called-Quest said...

@neneng - happy new year to maam! salamat sa pagdaan.

@xprosaic - ahehe, di naman reunion it's just my family visits them every january 1. konting kwentuhan. happy new year Xprosaic.

@guyrony - indeed they are, sila lagi ang may huling salita sa pamilya. and sobra sobrang magmahal silang dalawa. happy new year G!

@suplado - aww. for sure binabantayan ka lang nila. happy new year.

@kyle - malakas pa sila for their age. divided ang isip ko sa ganyan pero sana kung ano mang taon abutin ko masabi ko sana na naging masaya at kuntento ako kung anong meron ako. parang sila lola.


@nimmy - salamat nimmy. happy new year!

my-so-called-Quest said...

@sean - praying for their good health too.salamat. happy new year too!


@GB - sobrang mahal. happy new year!


@carlo - salamat. happy new year!


@mugen - i know marami silang pinagdaanan. actually gusto ko sila makakwentuhan about them. record it or kahit ano to chronicle their 9+ decades. happy new year!

@raft3r - may soft spot din ako sa mga lola. kaya mahal na mahal ko yang dalawang yan. happy new year!

@T.R. - let's pray for your daddy george na maging malakas pa sya for your family. kwentuhan mo sya at bisitahin if you have time.

my-so-called-Quest said...

@will - hip and cool nga. nakikipagbiruan pa yang mga yan. hehe


@nyabachoi - aw. oks lang yan na mautusan. nakakalimutan naman pala. hehe

@orally - ahehe, bonus na lang yung apong doctor. di naman ako makakapagdoctor without their help. happy new year!

@kiko - apir! napansin ko kailangan nila ng nakakausap palagi.

@docmnel - happy new year! yup malakas na malakas pa. lalo na si lola ingay! nakakapakain pa yan ng mga pets nya. hehe

@luis - nako, ahehe. ang laking complement naman yan. nahiya tuloy ako. musta bakasyon? happy new year!

my-so-called-Quest said...

@daniel/blackswan - happy new year din sayo!

@MI - nako, sobrang nakakatakot pag nagkakasakit sila. nakikita mo na hirap na hirap. pero napansin ko pag nakukumpleto family lumalakas sila at gumagaling. happy new year.

@nowitzki - happy new year din sayo. both 90+ at malakas pa.

@kalansay - happy new year din sayo! salamat.

@ahmer - happy new year rin sayo at sa family mo!


@cio - importante e napaparating nyo sa kaniya na nandyan lang kayo at di nakakalimot. tama? happy new year!

my-so-called-Quest said...

@keaton - happy new year too!


@marlo - wuy! musta na? happy new year! mas maswerte ako na sila ang lola ko. hehe


@buendia - nacute-an ka kina lola? ayii. hehe. happy new year!


@axl - happy new year rin sayo.

@mr chan - salamat and happy new year to you too!

stevevhan said...

wow, ang galing naman nila lola mga nasa 90+ na! :) Namiss ko tuloy si grany ko!, nu daw sikreto nila at umabot sila ng ganung edad? :)

Happy new year!, salamat sa pagiging part ng blog ko last year! :) sobra talaga from the deep of my heart!, salamat! :)

David said...

Maybe it has to begin by saying that people like them are something we will hold on when times get tough. Yours is the knowledge theirs is the wisdom.

Your grandparents are real tough guys, you know. With that age and luminously breathing is really tough... tough.

http://arandomshit.blogspot.com/

glentot said...

Awwww... aminado akong suplado, impatient at masama ang ugali pero i have a soft spot for Lolas... More years to come pa yan don't worry!!!

casado said...

wow baby ced..ur lucky buhay pa ang both lolas mo!! naku, lahi nyo pala ang matagal ang buhay, mga 90s!!

ako i didn;t even get to see my lola sa father's side...and my grandma naman sa mom's side eh namatay na 4 years ago...


Happy New Year!

my-so-called-Quest said...

@steve - happy new year too. salamat din.


@denase - true. parang sila ang link of chain sa buong family. salamat and happy new year.


@glentot - pareho tayo! in so many ways. apir! happy new year!

@soltero - kuya! kuya na talaga. hehehe. share na lang ng lola. natawa yung si lola ingay, sinusukat ko kasi tenga nya nung isang araw. haha. sabi ko totoo pala na pag malaki tenga mahaba ang buhay.

Rico De Buco said...

bigla ko tloy namiss ang lola ko dahil sa post na ito..happy new year!

Hoobert the Awesome said...

If I were your Lola, I'll feel so much loved :)))

Happy 2011 'tol!

dario the jagged little egg said...

You're 2 Lola's are extraordinary women : )

One of my lola's is already gone : )