Back to regular programming. Balik school na naman para sa ating mg students, balik work naman para sa mga naghahanap-buhay. Sa totoo nasusuka na ko sa school, but I have to finish this kasi, konti na lang at matatapos na rin. At ginusto ko rin naman to.
But I really want to work. But for now I need to concentrate on my studies. Mas importante yun.
Pagpasok may isang Nephrology case na nagaabang na para ipresent. Random roll-call na naman ang gagawin. Nawa’y di ako matawag dahil baka handa sa Noche Buena ang maisagot ko.
............................................
Sadly, nawalan ako ng budget for Gym. Mukhang di ko na sya matutuloy for the mean time. So that means back to jogging na muna ko sa ___ for my cardio. I’m planning to do 5 laps around _____ (ayan blanko na. hehe). At good thing meron akong weights sa dorm para magawa ko yung ibang parts ng circuit training.
..............................................
Tuloy pa rin ang diet, di nakatulong ang 2 weeks vacation na kakain at kakahiga. Balik nilagang saba at nilagang egg muna tayo.
..............................................
So pano? Back to daily routine na tayo. Gising ng maaga, ligo, kain, pasok sa school/office. Ingat!
image from here


