ANAK
Naniniwala ako na lahat tayong mga anak, darating ang araw, ay tayo naman ang magaalaga sa mga magulang natin. Kung dati rati, tayo ang inaaruga. Panigurado may panahon na tayo naman ang magaaruga sa kanila. Ganun ang nanay sa lola ko. Kahit na may kalakasan pa naman ang lola ko sa edad na 93. Minsan hindi na nya rin kinakaya ang magpalit ng diaper at underwear. Pag nagkakasakit ito at sinasamahan ko ang nanay. Nakikita ko pano nya punasan ng basang bimpo at palitan ng damit ang lola ko. Minsan nakita kong namumugto ang mata ng nanay lalo na nung nakita nyang nahihirapan ang lola ko. Tumungo muna ko sa likod bahay at nagtago at dun ako lumuha.
GURO
60 nung nagretiro ang nanay sa pagtuturo. ilang estudyante naba ang naturuan nya? Ilang taon rin na ba siya dati sa serbisyo? Ilang eleksyon, PTA meeting, at graduation ang kanyang nadaluhan? Hindi rin mabilang… pero bale wala yun kay nanay. Tulad ng sabi ko dati. Natutuwa ako kapag nababasa ko ang sulat ng mga estudyante nya sa kanya. Kung pano sila nagpapasalamat sa nanay ko, na gumanap na ina nila sa paaralan. Marami na rin syang regalo na natanggap, greeting cards, maliliit na figurine, at kung anu-ano pa galling sa mga estudyante at naging estudyante nya. Aaminin ko natatawa ako sa una, pero nung pinabasa ni nanay yung ibang sulat, dun ko naisip na napakaswerte ko. Na guro nila ang nanay ko. Na hindi lang ako ang nagmamahal sa kanya.
NANAY
Di ko na rin mabilang na ilang sermon ang natanggap ko sa kanya. Nasabi ko sa isang tao na ang pinakamaagang alaala na natatandaan ko, yun yung tinuturuan ako ng nanay ko na magsulat at gumuhit sa isang maliit na chalkboard habang nakaupo ako sa balustre ng terrace namin dito sa bahay. Naalala ko din nung pinagalitan niya ako sa harap ng klase namin dahil nasunog ko yung sinaing na pinaluto nya sa akin sa school canteen. Naalala ko nuon na na may mga araw na naghahati kami sa isang lucky me chicken noodle at tig-isa kami ng nilagang itlog na syang tanghalian namin sa school. Naalala ko nung nakita ko syang umiiyak palabas ng aking highschool dahil may katarantaduhan akong nagawa at napatawag kaming dalawa sa principal’s office.
Nay, alam ko pasaway ako. Hanggang ngayon naman. Pero alam ko na nakikita mo na nagsisikap ako. Lagi kong tinatandaan ang mga pangaral mo. Lagi ko rin pinagdadasal na sana dumating ang panahon ako naman magaaruga at magaalaga sayo at maipasyal ko kayo ni tatay sa malayong lugar. Sa ngayon mahihiling ko lang na maging malusog kayong dalawa. Happy birthday po.
x's - Susubukan kong mag I love you sa kanya. Di ko pa to ginagawa. Pero alam ko, magagawa ko to. :)
para sa inayakan kong isulat dati, basahin mo to.
45 comments:
Your Mom deserves the best, hence you came to life.
Happy birthday to your Mom and cheers to her endeavors.
Birthday na niya!! Happy birthday sa Nanay mo. :)
I attribute most of what I am now to the fact that my parents are both part of the academe, and will be forever grateful for that.
happy birthday to your mom, doc! ganda ng post mo na 'to. i'm sure she's proud of you. :)
moms are the greatest
=)
happy bday sa nanay mo... ang sweet naman...
happy beerday este happy birthday kay mudrakels at lolabels.. hehe!
That's very sweet Doc.
Nabasa na ba ni Mudra isa man sa dalawa mong sulat?
Kung hindi pa, it's hightime. I'm sure it's gonna make her birthday truly special.
Beautiful
Wow, this must be the greatest and most heartfelt birthday greeting I have encountered so far... Happy Birthday to your Mom! Mataas ang tingin ko sa mga teachers, and my mom, although not a teacher, will always be my first and best teacher. Same tayo ng first memories, she was teaching me how to read sa terrace one late afternoon... I say I love you to her sa text all the time. Try mo, she's gonna shiiiit like crazyyyyyy!!!! haha.
happy birthday to ur mom...
and aba aba..madrama ka rin pala hehe..
Tell her you love her, I'm sure it will mean the world to her :)
awwwwwwwww. doc! grabe ka talaga sumulat!!!! :D
happy birthday to your mom!!!
@guyrony - awww. salamat guyrony :D
@will - sabihin ko maya. hehehe
@somelostboy - salamat sa pagdaan. and yeah discipline and hardwork ang namana ko sa kanila. :D
@jc - salamat salamat! :D di ko sure kung ipapabasa ko to. hehe
@Raft3r - yes yes! :D
@kiko - ahehehe. salamat. :D
@shenanigans - pag pinainom ka nya iinom ka ba? hehehe. salamat.
@orally - di pa po. :( hehe. salamat kuya
@glentot - hahaha.. natawa ako sa comment mo. at mapuri ng isang glentot. hehehe. salamat salamat. sige maya share ko ano reaction ni nanay. lol
@soltero - ako pa. hehehe musta ka dyan? hehe
@nimmy - nako nakakamiss ang kakulitan mo ah. hehehe. salamat lil'bru. heheheh
napakabait na bata. sana lahat ng anak katulad mo then it will be a better place for you and for me and the entire human race. (lol)
Happy birthday sa Nanay mo. =)
napapasmile ako while reading this post so pure... ganda!
Happy Birth Day to your mom! Doc Mag I LOVE YOU and Hug mo xa... yun ung sweetest gift na mabibigay mo sakanya :)
naiiyak naman ako.
sniff
happy birthday sa mom mo.
doc ced... mamita's girl akiz so after reading your post... super dampot akiz ng nyelpi ko for more text kai mudak...
"good morning ma. labyu. hehehe. wala lang. char lang."
CHING!
pareho pala tayong mama's gurl.
na miss ko bigla ang nanay ko.
naaalala ko nung bata pa ako, pagkagising isang umaga nagtanong sya...
"Umihi ka na naman sa kama?"
sumagot naman ako...
"ay sayang, akala ko TAGOS."
Wow naman! Ambait na bata! heheheheh ang sweet naman.. asoos... sige nga ipabasa mo nga yan sa mama mo... hehehehehe
Aw nakalimutan ko tuloy bumati.... hehehehe... happy birthday sa mom mo! hehehehhehehe
paki-greet mo na rin ako sa mom mo..Happy Na! Birthday Pa Mom!
@kuyacoldman - wahahaha. adik. kumanta? sige yan kakantahin ko for her. hehehe
@popoy - pano ka ba magsmile? hehehe salamat ser.
@GB - eto punasan ko luha mo, uhog na din. hehehe
@hondafanboi - aww. sweet! salamat. :D
@ms.chuni - hmmm. parang may mali. hahaha. basta. loL!
tagos pala ah. lol
@xrosaic - aw. salamat parekoy. hehe :D
@moks - salamat din parekoy. :D
paminsan mahirap atalga mag-i love you sa magulang
bakit nga kaya, ano?
hope she enjoys her big day
happy birthday nanay!!!
MSCQ,
Happy birthday to your mom. I 'm sure she is proud of what you have been.
Cio
ooh.. so sweet.... happie bday kay tita :D
@xprosaic - ewan ko nga ba kung bakit. hehehe nako kelangan magpractice! :D
@ssf - papakilala kita dali. hehehe
@cio - hehe. salamat parekoy! :D
@axl - salamat! :D
happy bday to ur mom... :)
lagi akong nag-iilove you sa mama ko kasi 10 yrs na shang nasa abroad. :)
ay o sige, kelan? hihi
ayan may paggagamitan na ko nung dress hihi
@chan - aww. buti ka pa :D sweet!
@ssf - haha. pormal! heheheh
~may like ba sa mga post sa blog? super likey!!!!!!!! :)
naluluha tuloy ako. namimiss ko na rin kasi ang mama. every weekend lang kami nagkikita. e-kiss mo nalang ako sa mom mo. :)
birthday ni mother(birthday!) birthday ni mother ngayun (huw, huw!).
More birthdays to come for mother of you!, um, medyo gulo mind ko, sa post you!hay.
Um, may i congratulate mu nalang akis kay mudrakelsi mu ha?!:)
but most especially, i wish herall the best!
Naalala ko tuloy yung kanta ng Spice Girls, na "Mama". Maski na paminsan-minsan ay nag-wawarlahan kami ni inay.
Na-move ako ng post na to'
Happy Birthday to ur mom!
Godbless : )
Ur Grandma is a superwoman : )
Hi Papi : )
@jaffila - salamat salamat :D
@ester - aww. kiss kita. you like? heheh. salamat ah. :D
@steve - high lang? ahaha/ salamat parekoy.
@daniel - aw. salamat! hheheh. busy ka ata lately? ehehe
aww Doc, musta?
lol!
Ur mum brought ya up sooo well. she is, im sure, very proud of you!
Di naman ako busy doc hehe : )
Bihira lang me maka-visit sa internet shop : )
Post a Comment