Di eto yung kanta ha. Magpopost lang ako tungkol sa pera. Oo, alam ko iniisip nyo yan paminsan minsan. Laging tinatanong, san ko nga ba nagastos ang pera ko? Lalo na pagkatapos ng payday.
I rarely talk about money, una kasi di pa ko sumusweldo, di pa rin ako nagtatrabaho. Pinakamalaking pera ata na nahawakan ko ay nung class treasurer ako nung 3rd and 4th year highschool. Ang hirap mangulekta. San ka pa, Private School na may maririnig ka pang drama na “yung tatay ko nasa abroad, gipit kami, tingnan mo ang payat ko na” linya ni Carlo na kaklse ko nun. Ang loko, anak ng mayaman ganyan maririnig mo. Di mo ko maririnig na umungot ng pera sa magulang ko. sa kapatid pa siguro... hehehe
Ayoko tlaga pagusapan ang pera lalo na sa harap ng kainan. Minsan naguusap parents ko sa ganyan, sa kabastusan ko nilalayasan ko sila. Sa dinamidami ba naman ng bagay e ayun pa ang topic. Akala ko bubuntalin ako ng tatay ko sa pagalis ko pero mukhang natunugan nila yung rason. Di na nila pinagusapan. Minsan din yung pari namin dito sa simbahan. Kay aga aga ang sermon e pera. “Magcontribute naman kayo sa simbahan, ako nga 2 milyon na nabigay ko sa pagpapagawa” sambit nya. Nilayasan ko nga. Nagsorry na lng ako kay God na sana maintindihan nya ang pag walkout ko.
Aaminin ko magastos akong bata. Pero siguraduhin ko sa inyo ipon ko naman yun. Nagiipon ako 100 isang araw at kapag may natripan akong damit bibilhin ko yun. Typical sa edad ko. Katangahan ko nga lang, hello, 5 times a week akong nakauniform. Hanger lang nagsusuot. Nung nasa highschool din ako e galante akong bata. Di lang sa nililigawan ko ha pati sa mga tropa nya. Hehhehehe. Pamasahe lang naman yun. Noon yun, nung wala pa kong kamuwang muwang. Pero simula nung nagcollege na ko tapos nagaapartment na ko sa project 6 hanggang nagdorm naman sa Fairview, nagtipid tipid na ko. Nakonsensya sa pinaghihirapan ng magulang ko. Pag maluwag luwag ang schedule, nilalabhan ko ung uniporme ko simula Lunes hanngang Miyerkules kasama na pambahay ko at panloob. Plantsado ko na rin kapag bumalik na ko kinaLingohan. Yung di ko nalabahan inuuwi ko na muna sa bahay. Ayoko sa laundry, mahal na pangit pa maglaba. Ako rin nagbabayad ng kuryente, tubig at internet ko. Nakakahiya naman yun, wala na kong trabaho iasa ko pa pangluho ko. Namen! Hehe
Sabi nga nila kapag doctor ka na, giginhawa ka na rin. Totoo yun sa mga doctor na talaga naming kinarir ang pagiging doctor. Pero sa totoo hindi ako umaasang magiging mayaman gawa nun, una buhay ng pasyente ang dapat inaasikaso. Hindi ang sariling bulsa. Kung magiging maginhawa man ang buhay ko. Mas pipiliin ko na rin ang buhay na may katulad kami ngayon. Nasa gitna lang.
Kaya ko nagawa tong post na to gawa ng Nanay ko ulit. Bumalik kasi siya kanina sa eskuwelahan. 2 buwan na lng at magreretiro na siya. Mejo nagkasagutan kasi kami. Sabi ko e hayaan nya na muna at magpahinga naman siya sa bahay dahil next week pa naman ang resume ng classes. Naisip ko tuloy yung plano namin ng isa kong utol na bilhan sya ng oven para kapag retired na sya meron naman syang libangan ay paguwi ko may masarap na cake sa lamesa! Hehehe.